Francine Diaz posibleng ma-in love kay Seth Fedelin: Kasi lagi naman tayong magkasama, matagal na tayong magkakilala | Bandera

Francine Diaz posibleng ma-in love kay Seth Fedelin: Kasi lagi naman tayong magkasama, matagal na tayong magkakilala

Ervin Santiago |September 28,2022
facebook
share this

Francine Diaz posibleng ma-in love kay Seth Fedelin: Kasi lagi naman tayong magkasama, matagal na tayong magkakilala

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 08:00 AM

Francine Diaz posibleng ma-in love kay Seth Fedelin: Kasi lagi naman tayong magkasama, matagal na tayong magkakilala

Francine Diaz at Seth Fedelin

SIGURADONG kilig na kilig ang mga fans at supporters ng Kapamilya young stars na sina Francine Diaz at Seth Fedelin matapos mapanood ang bagong vlog sa The Squad 2022 YouTube channel1.

E, kasi nga, diretsahang sinagot ni Francine kung pwede ba siyang magkagusto kay Seth sakaling magkadebelopan sila bilang magka-loveteam.

Sumabak sa lie detector test challenge sa pinakabagong vlog ng The Squad 2022 si Francine kung saan sinagot niya ang ilang mga tanong tungkol sa kanyang personal life.

Mismong si Seth ang nagtanong sa kanyang ka-loveteam ng, “may chance ba na magkagusto ka sa akin?” Na mabilis sinagot ni Francine ng, “Yes.”

View this post on Instagram

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz)


Sa resulta ng lie detector test, nagsasabi raa ng totoo ang aktres. Kasunod nito, in-explain ni Francine ang kanyang sagot.

“Baka. Kasi lagi naman tayong magkakasama, at saka matagal na naman tayong magkakilala,” pahayag ng dalaga. Ilang taon din silang nagkasama ni Seth Kapamilya series na “Kadenang Ginto.”

Sundot na tanong ni Seth kay Francine, kung ano ang magugustuhan sa kanya ng dalaga na sinagot naman ng aktres ng, “Humor.”

Sey ng batang aktres, walang dull moments kapag magkasama sila ni Seth at ng iba pa nilang kaibigan at katrabaho. Talaga raw maraming baon na pampa-good vibes ang binata kaya palagi lang masaya.

Inamin din ni Francine na isa siyang certified “NBSB” o no boyfriend since birth at wala rin daalw nanliligaw ngayon sa kanya.

Bago ang lie detector test kay Francine, una munang sumabak si Seth sa naturang challenge kung saan inamin niya na nagka-crush  siya sa ka-loveteam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, abangers na ang mga tagasuporta nina Seth at Francine sa upcoming drama series ng ABS-CBN na “Dirty Linen” kung saan makakasama nila sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

Robin may promise kay Aiko pag nakapasok sa senado: Kung wala pa tayong nagawa, nakakahiya puro action star pa kami du’n

Vice gusto ring magkaroon ng sariling anak, nangangarap makapasok sa Hollywood: Suntok sa buwan, pero…

The Gold Squad puring-puri ni Sylvia: Marespetong mga bata, hindi lumalaki ang ulo nila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending