Heaven Peralejo, Marco Gallo ayaw pa ring lagyan ng label ang relasyon: ‘What you see is what you get!’
HINDI man aminin ng magka-loveteam na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na matagal na silang magkarelasyon, feel na feel naming may “something” na talaga sa pagitan nila.
Sa tinginan at titigan pa lang, isama pa ang body language ng dalawa ay kitang-kita na ang kakaiba nilang sweetness kaya tulad nga ng palagi nating sinasabi — kailangan pa bang i-memorize yan!?
Sa naganap na presscon ng book 2 ng kanilang digital series na “The Rain in España” sa Viva One channel, ang “Safe Skies, Archer”, very obvious naman ang espesyal na pagtitinginan nila para sa isa’t isa.
Nang makachikahan namin sina Heaven at Marco, tumanggi pa rin silang ibandera ang label ng kanilang relasyon. Basta ang importante raw ay napakaganda ng samahan nila ngayon at pareho silang blessed with so many projects.
“What you see is what you get! Yun na lang muna. Yes, yun, what you see is what you get,” ang pag-iwas ni Heaven sa tanong kung totoong magdyowa na sila ngayon.
View this post on Instagram
Sey naman ni Marco, hindi naman nila minamadali ang mga bagay-bagay sa kanilang buhay. Ine-enjoy lang daw nila ni Heaven ang kung anumang meron sila ngayon at gusto lang muna nilang mag-focus sa kanilang respective career.
Samantala, buhay na buhay pa rin ang University Series fever! Matapos ang massive success ng “The Rain in España”, magpapatuloy ang kwento at journey ng paborito niyong barkada at may ipapakilalang bagong mga bida at bagong love story na siguradong aabangan ng lahat.
Baka Bet Mo: Marco Gallo, Heaven Peralejo keri nga bang pumalit sa dating trono nina James Reid at Nadine Lustre sa Viva?
Fasten your seatbelts mga ka-BANDERA dahil lilipad na ang “Safe Skies, Archer” sa Viva One ngayong October.
Say hello sa ating TRIEKADA, now officially called UNIVERKADA – Heaven Peralejo bilang Luna, Marco Gallo bilang Kalix, Bea Binene bilang Via, Gab Lagman bilang Sevi, Aubrey Caraan bilang Sam, Nicole Omillo bilang Kierra, Frost Sandoval bilang Leo, Andre Yllana bilang Adonis, at si Krissha Viaje bilang Yanna.
This time ang love story naman ni Yanna ang mapapanood natin sa second book ng University Series na sinulat ni Gwy Saludes na mayroon nang mahigit 600 million reads sa Wattpad.
May tatlo ding bagong characters na ipakikilala sa “Safe Skies, Archer” na matagal nang inaabangan ng lahat ng mga fans.
“Ang hunk actor na si Jerome Ponce ang gaganap na Hiro, ang dashing young pilot at mechanical engineering student na magkakaroon ng no strings attached relationship with Yanna.
“Ang promising young actor na si Jairus Aquino na gaganap bilang Shan, ang best friend ni Hiro at romantic charmer na paiibigin si Kierra. Ang talented singer-actress at newcomer na si Hyacinth Callado ay gaganap naman bilang Elyse, ang half-sister ni Shan na may crush kay Hiro, pero ang hindi niya alam ay si Sevi pala ang nakatadhana para sa kanya.
View this post on Instagram
Mula sa kwento nina Luna at Kalix sa The Rain in España, love story naman nina Yanna at Hiro ang susunod na aabangan. Si Yanna, isang tourism student, ay kilala na wild, bold, adventurous at non-committal pagdating sa pag-ibig.
Pero mababago ang buhay (at sex life) niya nang makilala niya si Hiro. Ang no-label relationship nila na una nilang pinagkasunduan ang siya ring magbibigay sa kanya ng problema. Unti-unti siyang mahuhulog kay Hiro kahit na alam niyang hindi magtatagal ang kanilang relasyon.
After five years, muli silang magkikita, matured at mga professionals na, at mari-realize rin nila na hindi pa sila nakaka-move on sa isa’t isa. May chance na kaya ngayon na magkaroon na ng label ang kanilang relasyon?
Ang “Safe Skies, Archer” ay mula sa direksyon ng young box-office director na si Gino Santos, na nakilala sa kanyang mga hit movies na “Ex With Benefits” at “Love Me Tomorrow,” at ang kakatapos lang na youth series na “Teen Clash.”
Mapapakinggan din sa series ang new set of soundtracks na magdadagdag ng kilig at hugot sa serye na mula sa music genius at founder ng OC Records na si Kean Cipriano, tulad ng “Kisame” ni Rhodessa na mayroon ng 24 million streams sa Spotify at ang kantang “Isip” ng Healy After Dark na puno ng dreamy vibe naman ang magiging official soundtracks ng series.
Ngayong October, ibang level ng pag-ibig ang hatid ng love story nina Yanna at Hiro. Pero bago yan, may exclusive sneak peek muna para sa preparations ng exciting series na ‘to! Ang one-hour docu-special na “Ready For Takeoff: The Road to Safe Skies” ay mapapanood na sa September 6, streaming exclusively sa Viva One.
Marco Gallo nainis ba kay Kuya Kim matapos ang comment nito sa mensahe kay Kisses?
2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.