‘Carina’ posibleng maging ‘typhoon’, signal no. 1 nakataas sa bahagi ng Luzon
POSIBLENG maging “typhoon” ang bagyong Carina!
Ayon sa 11 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, July 22, patuloy na lumalakas ang bagyo habang binabadya ang bahagi ng Philippine Sea.
Ang sama ng panahon ay huling namataan 340 kilometers per hour sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.
May taglay itong hangin na 110 kilometers per hour at bugsong aabot sa 135 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 15 kilometers per hour pa-hilagang kanluran.
Baka Bet Mo: EDSA-Philam busway ramp isinara matapos ireklamo, aayusin muna
Ayon sa weather bureau, mananatili itong malayo sa kalupaan ng bansa at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules (July 24) o Huwebes (July 25).
Paliwanag pa ng ahensya, “CARINA is forecast to steadily intensify over the next four days due to favorable environment. It is forecast to reach typhoon category within 12 hours. Rapid intensification within the forecast period is likely.”
Dahil diyan, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ilang bahagi ng Luzon.
Kabilang na riyan ang Batanes, silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-Lo, Gonzaga) kasama ang eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Babuyan Is.), at ang northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).
Para sa araw na ito, July 22, asahan ang mga ulan sa maraming lugar na dulot ng bagyo at epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.
Magkakaroon ng Monsoon Rains sa La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.
Magpapaulan din ang Habagat sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Abra, sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region, at Calamian Islands.
Dahil naman sa bagyo, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, Quezon, at natitirang lugar sa Cordillera Administrative Region.
Gayundin ang mararanasan na panahon sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Negros Island Region, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at nalalabing bahagi ng MIMAROPA na dahil naman sa Southwest Monsoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.