EDSA-Philam busway ramp isinara matapos ireklamo

EDSA-Philam busway ramp isinara matapos ireklamo, aayusin muna

Pauline del Rosario - July 22, 2024 - 10:22 AM

EDSA-Philam busway ramp isinara matapos ireklamo, aayusin muna

INQUIRER photo/Grig C. Montegrande

WALA pang isang linggo mula nang buksan sa publiko, pansamantalang isinara ang nag-viral na wheelchair ramp sa Edsa Busway Philam station sa Quezon City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para muling ayusin matapos makatanggap ng samu’t saring reaksyon.

Marami ang bumatikos diyan dahil hindi naman daw ito PWD-friendly dahil sa pagkatarik nito.

Ayon kay MMDA Chair Don Artes, nangako ang contractor ng ramp na maglalagay ng wheelchair platform o vertical lift para mas madaling mailipat ang mga PWD mula sa footbridge patungo sa busway platform.

“We will also improve the wheelchair ramp by pouring cement to reduce the slope. From the 13 millimeters slope, it would go down to 11 mm, which is very near to the recommended 10 mm,” sey ni Artes sa isang news forum noong Sabado, July 20.

Baka Bet Mo: Netizens pinagpiyestahan ang viral EDSA-Philam busway ramp, memes viral na

Binigyang-diin din ng ahensya na wala silang gagastusin sa pagpapagawa dahil ang private contractor na ang magsho-shoulder nito.

Ang improvements na gagawin ay aabot ng isa hanggang dalawang buwan, sabi pa ng MMDA chairman.

Magugunitang nauna nang nagpaliwanag ang MMDA kaugnay sa viral wheelchair ramp at sinabi na may height restriction kasi ang MRT na sinusunod nila kaya hindi posibleng ipantay ang elevator sa footbridge.

Esplika pa, “Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka-wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan.”

Tiniyak din nila na magtatalaga sila ng ilang kawani ng MMDA upang mag-assist sa mga PWD na mahihirapan sa pag-akyat ng rampa.

“Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran,” wika pa sa social media post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anila, “Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi maiilagay ang elevator sa istruktura para sa convenience ng mga commuters na sumasakay sa busway station.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending