Cat Arambulo nag-sorry: I deeply apologize for my insensitivity
HUMINGI ng tawag ang social media influencer na si Cat Arambulo kaugnay ng kanyang nag-viral na video na kuha noong manalanta ang habagat at bagyong Carina.
Sa kanyang latest Instagram post ngayong Sabado, July 27, labis na humihingi ng paumanhin ang social media influencer dahil naging insensitive siya sa mga naranasan ng ibang taong naapektuhan ng bagyo.
Baka Bet Mo: Bela Padilla nagpasaring kay Cat Arambulo: Come on!
View this post on Instagram
“I deeply apologize for my insensitivity and my actions, during a time of crisis. I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active,” pagbabahagi ni Cat.
Pagpapatuloy pa niya, “I am now focusing my efforts on providing relief to different communities. My prayer go out to everyone affected.”
Matatandaang nag-viral ang video no Cat kung saan mapapakinggan ang pag-uusap nilang mag-anak habang nasa loob ng kotse at dumaraan sa kahabaan ng baha dahil sa bagyong Carina at habagat.
Tunog privilege kasi ang naging pag-uusap ng mag-anak na nagnanais pang pang wakeboard at mag-floatie sa gitna ng ulan nang hindi naiisip ang epekto ng baha sa ibang tao.
Maraming mga residente lalo na sa Metro Manila ang nawalan ng ari-arian dahil sa baha at ang ilan pa ay nawala ng minamahal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.