Wilbert Ross iniyakan ang lahat ng hirap na pinagdaanan sa buhay, inatake ng depresyon: ‘Tiniis ko lahat…I was trying to survive’
MATINDI rin ang naranasang hirap at pagsasakripisyo ng Vivamax actor na si Wilbert Ross noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Kuwento ng binata, hindi naging madali para sa kanya ang pagpasok sa showbiz industry, talagang butas ng karayom din ang dinaanan niya bago niya narating ang estado niya ngayon.
In fairness, mula nang ipakilala siya ng Vivamax sa “Boy Bastos” ay nagsunud-sunod na ang proyekto niya at ang latest nga riyan ay ang pelikulang “Working Boys 2, Choose Your Papa” na showing na sa mga sinehan sa March 29.
View this post on Instagram
Kuwento ni Wilbert sa nakaraang presscon ng “Working Boys 2”, pangalawa siya sa apat na magkakapatid at siya lang ang lalaki. Sa Davao siya lumaki at noong 18 years old siya ay nag-join siya sa “Pinoy Boy Band” ng ABS-CBN pero hindi siya sinuwerte.
Bumalik siya sa Davao para ipagpatuloy ang pag-aaral bilang Indonesian scholar dahil mula sa Indonesia ang kanyang tatay. Pero talagang hilig niya ang mag-showbiz kaya nagpaalam siya sa mga magulang at bumalik nga ng Manila.
“May cousin po ako sa Novaliches, construction worker, nakatira sila sa squatter, siksikan kami sa maliit na lugar nila sa pagtulog. Nagko-commute lang po ako going to ABS-CBN para mag-audition sa Hashtags. Wala akong kakilala.
“Tabi-tabi kaming matulog sa bahay nila. Ang mga katabi ko, kapatid ng asawa niya na construction workers din. Shoulder to shoulder lang kami matulog.
“Kapag nag-stretch ako ng kamay ko, abot na ng paa ko ang wall. Ganu’n kaliit lang ang place nila. Tapos apat na sakay bago ako makarating sa ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo
“Isipin niyo na ako probinsyano at first time pumunta ng Manila. Mag-isa lang akong sumasakay ng bus. Allowance ko P1,500 a week pinapadala ng Mama ko. Nandu’n na lahat ang pamasahe, pagkain three times a day. Tiniis ko ‘yun,” pagbabahagi niya.
Minsan daw ay nagkamali pa siya ng sinakyang bus, “Naiyak ako noon sa daan. Wala akong choice dahil magta-taxi ako. Ang laki ng mawawala sa P1,500 ko dahil start pa lang ng week at that time. I was trying to survive.”
Hanggang sa makuha na nga siya sa Hashtags na nagpe-perform noon sa “It’s Showtime”, “Pero sa aming lahat, ako yung pinakulelat. Kung minsan, mapapasama ako sa isang number, at the last minute, ipu-pull out ako at papalitan ng iba.
View this post on Instagram
“May isa kasing boss sa show na ayaw sa akin, hinaharang ako kapag binibigyan ako ng magandang segment. Sabi ng staff, sinasama nila ako pero pagdating sa kanya, tinatanggal ako.
“Ni hindi ako pinayagang i-promote yung single ko. So I got depressed at hinihiwa ko yung wrist ko to feel the pain. Umiiyak ako sa mama ko, tutuloy ko pa ba yung dream ko? Sabi niya, umuwi ka na lang dito. Mag-aral ka na lang,” pag-amin pa niya.
Hanggang sa dumating na nga ang kanyang big break sa Viva, ang “Boy Bastos”, “Yes, sinuwerte po ako nung pandemic. Sabi nga nila, na-perfect ko na raw yung pagganap ko bilang bidang tatanga-tanga.
“Nagpapasalamat po talaga ako sa Viva sa opportunity na ibinigay nila sa akin, kaya naman ginagalingan ko talaga sa bawat project na ibinibigay nila sa akin at pati sa mga kantang I composed for them,” sabi ni Wilbert.
Sa “Working Boys 2” naman he plays Biboy, “As usual, ako po yung bobo sa grupo at iyakin din ako. Kapartner ko rito si Angela Morena.
“Nag-enjoy naman akong doing the movie with Nikko Natividad and Vitto Marquez na mga kasama ko dati sa Hashtags, then si Andrew Muhlach na ilang beses ko nang nakatrabaho sa Vivamax projects ko, at si Mikoy Morales na ngayon ko lang nakatrabaho, pati ang director naming si Direk Paolo O’Hara.
“Naging maganda ang bonding naming lahat sa lock in shoot namin. Masaya ang ‘Working Boys 2’ kaya panoorin n’yo po kapag ipinalabas sa mga sinehan,” dugtong pa ni Wilbert.
Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.