Wilbert Ross aminadong 'late bloomer' sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo | Bandera

Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo

Reggee Bonoan |January 29,2022
facebook
share this

Wilbert Ross aminadong ‘late bloomer’ sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo

Reggee Bonoan - January 29, 2022 - 06:17 PM

Wilbert Ross aminadong 'late bloomer' sa sex: 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo

Wilbert Tolentino and Rose Van Ginkel

ISA si Victor Villanueva sa gusto naming direktor pagdating sa comedy dahil ang taba ng utak niya pagdating sa mga kalokohan at hinding-hindi namin malilimutan ang “Patay na si Hesus” na marami ang ginulat dahil Bisaya ang ginamit na lengwahe ay marami ang nanood at saksi kami na punumpuno ang mga sinehan noong ipalabas ito taong 2017 bilang entry sa 1st Pista ng Pelikulang Pilipino at ito ang nag number one sa 12 entries.

At heto naulit na naman ang naramdaman naming saya sa latest movie niyang “Boy Bastos” na nu’ng hindi pa namin napapanood ang trailer ay napakunot ang noo namin kung anong bago lalo’t isang baguhan ang bida, ang dating Hashtag member na si Wilbert Ross na hindi pa nagma-marka sa amin pagdating sa pag-arte.

Pero nang mapanood namin ay tawang-tawa na kami to the max sa trailer palang kaya paano pa sa buong pelikula?

Coming of age ang gist ng “Boy Bastos” ni Wilbert na curious pagdating sa sexual things na sinabayan din ng mga kasama niyang sina Andrew Muhlach, Bob Jbeili, Rob Guinto, Jela Cuenca at Rose Van Ginkel.

Kaya gaano ka-experimental ang mga nabanggit pagdating sa usaping tungkol sa sex?

Late bloomer pala si Wilbert dahil edad 19 na siya nang makaranas nito dahil laking probinsya at bantay sarado siya ng magulang niya papasok at pauwi galing eskuwelahan.

“Pero nu’ng nag Manila na po ako, 19 years old ako, doon ko na-explore ang ganda ng mundo,” pag-amin ng binata.

Kakaiba naman ang kuwento ni Andrew Muhlach na younger brother ni Aga dahil mismong tatay nilang namayapa na si Alvaro o mas kilala bilang si Cheng Muhlach ang nagturo sa kanila ng kalokohan pagdating sa babae.

“Ako po na-experience ko lahat ‘yan nu’ng high school kasi honestly tinuturuan ako ng dad ko ng ganito-ganyan. Tapos nu’ng nag-college na po ako, inayos ko na ang buhay ko kasi alam kong mali ‘yun at ayaw ko ‘yung tinuturo sa akin ng erpats ko. Kaya naranasan ko po lahat ‘yan,” kuwento ng aktor.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)

 

Ang baguhang sexy star na si Rob Guinto ay malaki naman ang naitulong sa kanya sa panonood sa porn site.

“Na-curious po kasi kami kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga babae at posisyon. Opo, nadagdagan ang knowledge ko,” pag-amin nito.

Si Jela naman ay medyo manang naman dahil hindi niya bet manood ng porn na kasama ang mga kaibigan.

“Mga friends ko nanonood sa cellphone ng porn site, e, hindi ako open minded sa ganu’n, kaya ayaw ko panoorin,” sambit ng dalaga.

Para kay Rose ay magandang experience ito, “tingin ko naman may kanya-kanya tayong level ng pag-explore at feeling ko naman naabot ko naman. Good experience at hindi naman masama pag ginawa mo at unforgettable moments especially ‘yung mga nagke-keme sa kotse at nahuhuli ng magulang. Pag tumanda ka at pag naalala mo, ito ‘yung mga bagay na masarap itawa pag naalala. Kaya masama ‘to guys hindi masama, ha, haha.”

Sa mga magazines na naiiwan ng mga kapatid na lalaki sa banyo ang naging dahilan ni Bob Jbeili kaya bumaha kung anuman ang dapat bumaha.

At ano naman ang experience ni direk Victor, “I love experimenting even until now, joke ha, haha! Nu’ng high school even… I remember very strict ang school namin at very religious sabi nila kapag nag jakol or something mabubulag na raw after kaya sabi ko, ‘o mabubulag na ako.’ Even if you have sex before marriage alam mo ‘yung may takot exploring in a way na masama raw. Kaya guys ang advice diyan, experiment go lang.”

Anyway, mapapanood ang “Boy Bastos” sa Pebrero 18 sa Vivamax produced ng Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!
Hashtag Nikko kinampihan si Arjo: Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara ang…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending