Nikko Natividad aminadong mas 'bastos' kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula | Bandera

Nikko Natividad aminadong mas ‘bastos’ kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula

Ervin Santiago |March 07,2023
facebook
share this

Nikko Natividad aminadong mas ‘bastos’ kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula

Ervin Santiago - March 07, 2023 - 06:48 AM

Nikko Natividad aminadong mas 'bastos' kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula

Wilbert Ross at Nikko Natividad

PINAGKUKUMPARA ngayon ang dalawang Hashtag members at kapwa mga Viva Artist Agency talents na sina Nikko Natividad at Wilbert Ross.

Halos pareho kasi ang image nila bilang mga sexy-comedian. Nauna nga lang si Wilbert na sumabak sa ganitong genre habang si Nikko ay nagsisimula pa lamang.

Si Nikko ang bida sa pinakabagong Vivamax Original sex-comedy movie na “Salamat, Daks” kasama sina Ayanna Misola at Alma Moreno.

Sa online presscon ng launching film ni Nikko, nabanggit niya na sa kanyang sexy comedy movie ay mas bongga ang romantic side kung iko-compare sa mga pelikulang nagawa ni Wilbert.

“Siguro kami ni Wilbert masasabi ko eh, mas bastos ako sa kanya sa movie, mas bastos eh, pero sa mga bed scene eh, ibibigay ko na kay Boy Bastos ‘yun.

“Mas grabe si Boy Bastos, kasi dito si Mr. Daks of the Night, iba magmahal, eh. Alam mo ‘yun ‘yung pa-image na badboy, pero deep inside malambot ang puso. Kukurot sa puso hindi po kukurot sa itlog eh,” ang nakakalokang pahayag ni Nikko.

Kuwento ng aktor tungkol sa naging experience niya sa paggawa ng sexy scenes sa “Salamat, Daks”, “‘Yun nga po, siyempre kakalipat ko lang po sa Viva, second project ko ‘to, ‘yung first project ko is Working Boys, pero ito ‘yung first project ko sa Vivamax.

“So kumbaga, sabihin ko po nahirapan po ako dahil…sa comedy naman po, siyempre hindi ko first time sa pag gawa ng comedy film or sitcom.

“Pero, first time ko po gumawa ng sexy talaga. Kagaya nga po ng sinasabi ko kay Direk, kahit sa manager ko, sa lahat ng naging project ko, wala pa akong tinanggap na may kissing scene.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)


“So, kumbaga, first ko po talaga makipag-kissing scene at tsaka makipag-bedscene ng ganu’n po, kaya talagang na-challenge po talaga ako dito.

“Pero sa story, sobrang ganda. Gustong-gusto ko ‘yung humor ni Direk Bobby Bonifacio,” aniya pa.

“Guide mo ako rito. Kumbaga kung paano treatment sa Vivamax.’ Even kay Direk Bobby, sabi ko, ‘Direk Bobby paano po ba ‘yung treatment kapag gumagawa ng sexy.’

“So maayos po talaga, alam nila kung paano alagaan ‘yung artista, lalo na ako na may time talagang nanginginig ako sa takot kasi hindi ko alam ‘yung gagawin kung paano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@itswilbertross)


“At the same time, siyempre hindi ko alam kung paano. Pero inaalagaan naman po nila ako kung paano i-execute ng maayos,” chika ng aktor.

Kasama rin sa “Salamat Daks” sina Andrew Muhlach, Debbie Garcia, Millen Galang, Shiena Yu, Giselle Sanchez, Marissa Sanchez, Marissa Delgado, at Bob Jbeili. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa March 10.

Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Nikko Natividad ‘tinanggihan’ si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending