Nikko Natividad 'tinanggihan' si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako | Bandera

Nikko Natividad ‘tinanggihan’ si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako

Therese Arceo |September 17,2022
facebook
share this

Nikko Natividad ‘tinanggihan’ si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako

Therese Arceo - September 17, 2022 - 03:13 PM

Nikko Natividad 'tinanggihan' si Jake Ejercito: May asawa at anak na ako
NAPA-REACT ang miyembro ng Hashtags na si Nikko Natividad sa naging rebelasyon ni Jake Ejercito na may kinalaman sa kanya.

Sa vlog kasi ni Charlie Dizon kung saan nag-guest si Jake ay natanong ang aktor kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram.

Dito ay nabanggit nga ng aktor na si “Nikko Daks” ang huling tao na nasa kanyang search history.

Agad namang nakarating ang balita sa Hashtag member kaya naman napa-post ito sa Instagram ng clip mula sa vlog ni Charlie kung saan nabanggit ang kanyang pangalan.

“@unoemilio plsss may asawa at anak nako. Tama na. Maayos kaming nagsasama,” saad ni Nikko.

Dagdag pa niya, “Makakahanap ka rin ng tulad ko. Time will heal.”

Nag-comment naman si Jake sa post ni Nikko at nagpaliwanag kung bakit siya ang nasa huling search history sa IG.

“Nacurious lang sa swimsuit posts mo bro,” sagot ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

Aliw na aliw naman ang mga netizens sa naging post ng komedyante.

“Nagbunga rin kalandian mo Nikko,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Alis na lahat sa pila, may nanalo na hahahaha!”

Hirit naman ng isa, “Tinapos na po ni Nikko ang pila!”

Maski si Ria Atayde ay tawang-tawa sa post ng Hashtag member.

Lately nga ay madalas maging laman ng social media si Nikko dahil sa kanyang panggagaya sa mga partners ng kanyang mga kaibigan na sina Elisse Joson at Loisa Andalio.

Hindi nga lang basta nag-trending dahil nakatanggap rin ng samu’t saring pambabash ang TV personality dahil sa kanyang panggagaya at pgausuot ng sexy outfits.

Kamakailan nga ay idinaan na lang sa biro ni Nikko ang natanggap niyang kumento sa isang netizen.

“Will never tired of telling y’all to stop exploiting and deglamorizing ‘Femininity.’ Bitches be like praising heteros but invalidate when an actual gay person being effem. It doesn’t make sense @hashtag_nikko, it’s not funny anymore,” sey ng netizen.

Sagot naman ni Nikko, “Sorry to tell, I’m not deodorizing the femine, I did not harm and doesn’t invalidate the hormonal vision of pulmonary bitches. Thank you.”

Dagdag pa niya, “Pa-ganito-ganito lang ako. Pero pag sinubukan nyo ko sa Englisan malamang magbe-bless kayo.”

Related Chika:
Nikko Natividad pinalagan ang basher na nang-english sa kanya: Magbe-bless kayo

Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

Netizens na-shock, nabastusan sa pa-survey ni Nikko; pero marami pa ring nag-join

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending