Nikko Natividad pinalagan ang basher na nang-english sa kanya: Magbe-bless kayo | Bandera

Nikko Natividad pinalagan ang basher na nang-english sa kanya: Magbe-bless kayo

Therese Arceo - September 10, 2022 - 05:22 PM

Nikko Natividad pinalagan ang basher na nang-english sa kanya: Magbe-bless kayo
IDINAAN na lamang sa biro ng miyembro ng Hashtags na si Nikko Natividad ang mga pamba-bash na natatanggap niya sa social media.

Ito ay dahil sa pag-call out sa kanya ng netizen dahil sa panggagaya niya sa mga dyowa ng kanyang mga kaibigan na sina Loisa Andalio at Elisse Joson.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Nikko ang screenshot ng komento ng netizen at sinagot niya ito.

“Will never tired of telling y’all to stop exploiting and deglamorizing ‘Femininity.’ Bitches be like praising heteros but invalidate when an actual gay person being effem. It doesn’t make sense @hashtag_nikko, it’s not funny anymore,” sey ng netizen.

“Sorry to tell, I’m not deodorizing the femine, I did not harm and doesn’t invalidate the hormonal vision of pulmonary bitches. Thank you,” sagot naman ni Nikko.

Dagdag pa niya sa caption, “Pa-ganito-ganito lang ako. Pero pag sinubukan nyo ko sa Englisan malamang magbe-bless kayo.”

May mga netizens na nagtanggol kay Nikko at sinabing wala naman daw mali sa ginagawa ng actor-comedian.

“Sa tingin ko naman walang masama mga post mo. Purely katuwaan lang talaga. And nakakatuwa din naman and you nailed it,” saad ng netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

Comment pa ng isa, “Wala naman masama ro’n? Mga kaibigan mo lang din naman yung mga ginagaya mo… big deal agad?! Walang sense of humor!!! Go lang bakla!!!”

“Bakla ako pero jusko puro mga iyakin ‘yang mga’ yan. Nothing offensive sa ginawa mo,” sey naman ng isa.

Matatandaang kamakailan ay ginaya ni Nikko si Loisa at ibinahagi ito sa kanyang Instagram account.

Makikitang nakasuot mg itim na sleeveless dress si Loisa at angat na angat ang pulang lipstick.

Nag-comment pa nga ang dalaga sa post ni Nikko at sinabing “Kaya nakakatakot magmaganda sa IG eh. Wasak na naman po ang damit ni @_cielolovesyou.”

Related Chika:
Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending