Post ni Jake Ejercito iniuugnay sa Andi-Philmar issue
TALAGA namang hindi nagpapawat ang mga netizens sa pang-iintriga dahil maging si Jake Ejercito ay damay sa isyu sa pagitan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Nitong Biyernes nang gabi, February 7, nag-post ang aktor sa kanyang Facebook page na agad namang inurirat ng mga netizens.
Isang pangungusap lang ang ibinahagi ni Jake ngunit samu’t saring isyu na ang iniugnay rito.
“Wala akong feelings about it ,” sey ng aktor.
Baka Bet Mo: Jake Ejercito pumalag sa isyung tahimik siya noong buntis si Andi
Hindi naman kinumpirma ni Jake kung ano ang tinutukoy niya sa salitang “it”.
Kaya naman samu’t saring espekulasyon agad ang nagawa ng mga netizens sa social media.
“Huwag mo man sabihin may feelings ka pa talaga kay Andi Coming back kayo talaga yung tinadhana IDOL Jake Ejercito,” saad ng isang netizen.
Comment pa ng isa, “Wala syang feelings about IT and walang feelings about HER are two different things. Don’t take his post out of context.”
“Meant to be kayo…tinadhana huwag munang pakawalan. Alagaan, ingatan at ipaglaban mo,” sey naman ng isa sa post ni Jake.
Hirit pa ng isa, “Feeling ko kayo talaga tinadhana pinatagal nga lang hehehehe.”
Para sa mga hindi aware, si Jake ang ex-boyfriend ni Andi at ama ng panganay na anak nitong si Ellie.
Samantala, wala pa namang pahayag ang Kapamilya actor sa ibinabatong isyu laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.