Nikko Natividad pangarap gumanap na Pedro Penduko: Gustung-gusto ko kasi ‘yung humor ni Sir Janno Gibbs
SA pagpirma ni Nikko Natividad ng kontrata sa Viva Artist Agency ay inamin nitong comedy ang genre ng pelikulang gagawin niya at gusto niyang maging project ang “Pedro Penduko.”
“Kung tatanungin po ako kung ano ang dream project ko ay gustung-gusto ko po talaga ‘yung Pedro Penduko kasi favorite movie ko ‘yung Janno Gibbs na Pedro Penduko.
“Kaya lagi kong ina-eye na kapag pinapanood ko siya, ilang beses kong inuulit nasa bahay ako. Ini-imagine ko na kaya ko ‘yan kung ako ang gaganap no’n. Gustung-gusto ko kasi ‘yung humor ni Sir Janno Gibbs, tapos naughty din, di ba?” pag-amin ng actor-dancer.
Pero ang ibinigay na ng Viva ang “Pedro Penduko” kay Matteo Guidicelli at hindi pa lang nasisimulan dahil tumaon ito sa COVID-19 pandemic noong 2020.
“Kung hindi, kahit ganu’n genre rin po,” sabi kaagad ni Nikko.
Pero kung bibigyan din ng chance ay gusto niyang maging seryosong aktor na sa tingin niya ay kaya rin niyang gawin.
View this post on Instagram
Ang mga kapwa hashtag members na sina McCoy De Leon at Wilbert Ross ang nagsabing mag-Viva na siya para magkakasama na sila kaya napaisip din si Nikko tulad din ng naisip ng manager niyang si Becky Aguila.
Si Wilbert daw ang nakaisip na gumawa sila ng action comedy tulad ng “White Chicks” ng magkapatid na Marlon at Shawn Wayans na ipinalabas noong 2004.
Sabi ni Nikko sa solo mediacon niya kamakailan, “Sabi ko, sige Wilbert, lagi kong ibibigay sa ‘yo ang mga bed scenes, ‘wag kang mag-alala, ‘wag kang magtatampo sa akin.”
Samantala, thankful si Nikko dahil sa kasagsagan ng pandemya ay sa social media siya nag-focus kaya kahit paano ay visible siya at pinagkakakitaan na rin na ayon na rin sa aktor ay maraming nagpapadala ng mensahe sa kanya.
“Sabi nila followers ko sila, bata, matanda at nakakatawa raw ako. Iba na rin talaga ang social media parang TV na napapanood ka na.
“Kung wala akong project, doon muna ako sa TikTok, sa Instagram gawa ako ng nakakatawang video na nakaka-engage sa tao,” tsika pa nito.
Inaming nalungkot siya nang mawala ang Hashtags dahil limang taon silang magkakasama na araw-araw silang pumapasok.
“Ang naging kapalit naman po, nakakakuha ako ng project as Nikko Natividad, kinukuha ako sa serye, sa movie as ako (hindi bilang hashtag member). Kanya-kanya na kaming gawa talaga,” sambit pa niya.
Walang binanggit kung ilang taon ang kontrata ni Nikko sa VAA at na co-manage ni tita Becky.
https://bandera.inquirer.net/297388/janno-first-time-nakatrabaho-sina-bing-at-manilyn-sa-isang-project-ito-na-ang-last-time-siguro
https://bandera.inquirer.net/293935/nikko-natividad-umamin-naging-greedy-ako-naghangad-ng-maraming-pera
https://bandera.inquirer.net/290771/mikee-mark-starstruck-graduates-babandera-sa-gma-playlist
https://bandera.inquirer.net/305594/magkaiba-kame-ng-ibobotong-presidente-ng-asawa-ko-pero-may-nangyayare-pa-ren-samen-gabe-gabe
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.