Gab Lagman pinagsisihan nga ba ang paghuhubad at pakikipag-love scene sa Vivamax movie na ‘Bula’?
TOTOO bang pinagsisisihan ng Kapamilya hunk actor na si Gab Lagman ang ginawa niyang sexy movie sa Vivamax kung saan nakatambal niya ang palabang bombshell na si Ayanna Misola?
Ang tinutukoy naming pelikula ay ang original Vivamax movie na “Bula” na ipinalabas last year. In fairness okay naman ang naging performance ni Gab sa movie at hindi rin ganu’n katindi ang ginawa niyang sex scenes with Ayanna.
Sa naganap na presscon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Girlfriend Na Puwede Na” na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong si Gab kung may pagsisisi siya sa pagbibida sa “Bula.”
Nang ipakilala kasi siya sa presscon ay hindi nga nabanggit ang “Bula” sa kanyang filmography, sinadya nga ba iyon o nagkataon lang?
“No naman. I like that movie and most people think okay naman ang performance ko. But ‘Girlfriend Na Puwede Na’ kasi is a wholesome romcom and I’m also doing a wholesome teleserye for Viva Prime, ‘The Rain in Espana’, and it will run for several episodes so I focus now more on my wholesome projects.”
Sa tanong kung kumustang katrabaho sina Jerald at Kim sa “Girlfriend Na Puwede Na”, “I got excited when Viva informed that I’d get to be working with them.
“I’ve seen their movies and alam ko parehong magaling sila so I thought I’m sure marami akong matututuhan working with them. And I was right, working with them and with our director, Benedict Mique, is a great learning experience for me,” sabi ni Gab.
Nilinaw naman ni Gab na hindi kontrabida ang role niya sa movie, “Kasi yung character ni Kim, she’s ready to settle down. E, ako, hindi pa. So normal boyfriend lang siya who admits na hindi pa siya handang magpakasal.”
Super happy naman daw si Gab na sa sinehan ipalalabas ang kanilang movie, “Siyempre nakakatuwa talaga, kasi my last movies were shown on a streaming platform but now, we can see ourselves on the big screen starting January 18 so we’re inviting moviegoers to watch it sa sinehan.”
Showing na sa Miyerkules, January 18, ang “Girlfriend Na Puwede Na” in cinemas nationwide. Ito ay sa direksyon ni Benedict Mique.
Payo ni Gab Lagman sa mga nabu-bully sa school: Stand up for yourself, always ask for help
Ai Ai, Direk Darryl napatunayang binastos ang Quezon City seal, ang parusa: ‘persona non grata’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.