Payo ni Gab Lagman sa mga nabu-bully sa school: Stand up for yourself, always ask for help | Bandera

Payo ni Gab Lagman sa mga nabu-bully sa school: Stand up for yourself, always ask for help

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 06:59 AM

Gab Lagman

KUNG mabibigyan ng chance, nais balikan ng aktor na si Gab Lagman ang kanilang prom night noong kanyang high school days.

Sa ginanap na mediacon para sa Vivamax original series na “The Seniors” na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Awra Briguela, nagkuwento ang binata tungkol sa naging buhay niya noong nag-aaral pa lamang siya.

“I went to high school in Las Vegas and I was playing basketball so I was an athlete. And at the same time, I was really good friends with everyone. Because once you’re an athlete you do community service and stuff.

“Yung pinaka tini-treasure ko at pinaka-memorable yung friendship na nagawa ko sa high school, yung mga kaibigan ko kahit they’re in Vegas, I still keep in touch with them. They’re still my best friends kasi sila yung unang naging kaibigan ko.

“Importante kasi sa akin yung pagkakaibigan and alam kong totoo sila sa akin and even before pa ako mag-artista magkakaibigan na kami.

“At saka yung mga memories at nagawa namin na pagbabakasyon, yung mga pagtutulungan like yung best friend mo mababa, kailangan mo tulungan pataas, ‘di ba? Yun yung talagang tini-treasure ko at pinaka-memorable sa akin,” dire-diretsong pahayag ni Gab.

Natanong din siya kung ano ang pinaka-memorable na nangyari sa kanya nu’ng high school, “Siguro prom because it was our last year and we just rented a house and then araw pa yun ni Manny Pacquiao’s fight against Mayweather so parang it was just a crazy night.

“Siguro yung hindi ko lang na-experience sa high school is simple lang naman, nagda-drive kasi ako ng stick shift dito sa show na ‘to and never ako nag-drive ng stick, first time ko,” pahayag ng binata na dating nursing student.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gab Lagman (@gablagman)


At dahil tinatalakay din sa “The Seniors” ang isyu ng bullying, nagbigay naman ng payo si Gab sa lahat ng nagiging biktima nito, lalo na sa mga eskwelahan.

“Dapat hindi mo dinadamdam and always ask for help. Kasi once you have a strong backbone na mga kaibigan mo, malalagpasan mo rin yan, eh.

“Stand up for yourself and always ask for help kasi hindi lang ikaw ang nakakaranas nito. Nakakaranas lahat ng mga tao sa mundo nito,” aniya pa.

Ito naman ang advice niya sa lahat ng mga ga-graduate na sa high school, “Just treasure every moment because life is very short and you only live once. And always count your blessings.

“Naaalala ko pa yung sinasabi ng big brother ng best friend ko kasi when we were in high school gusto na namin lumaki, gusto na namin tumanda at maging matured.

“Pero he always tells us, ‘Enjoy your high school years because mabilis lang yung panahon. Pag tumanda ka na, mami-miss mo yung pagiging bata.

“Mami-miss mo yung pagiging free lang sa mundo kasi pag tumanda ka na marami ka ng iisipin.’ Yun siguro yung lagi sa akin tumatatak. Kasi parang sobrang bilis ng panahon especially nag-pandemic pa. Treasure your friendships talaga kung sino yung mga tunay na kaibigan n’yo,” dagdag pa ni Gab.

Pahabol pa niyang paalala, “Don’t be afraid to take risks in your life because ayaw mong pagsisihan yun siguro in the latter part.

“Pero of course education is important and for me I want to make my parents proud. So even though na-stop rin ako sa school, I still have plans to go back. Pero yung one thing na tumatatak sa akin siguro sa advice ko sa dad ko is don’t be afraid to take risks,” ayon pa sa binata.

Ang “The Seniors” ay eksklusibong napapanood sa Vivamax sa direksyon ni Shaira Advincula. Kasama rin dito sina Andre Yllana at Andrea Babierra.

https://bandera.inquirer.net/294519/liza-hinding-hindi-malilimutan-ni-gab-valenciano-it-was-a-privilege-to-finally-get-to-know-you

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/292921/gab-nagpasalamat-sa-lahat-ng-nagligtas-sa-kanyang-buhay-i-am-alive-because-of-you
https://bandera.inquirer.net/282006/gab-inilihim-sa-publiko-ang-pagkakaroon-ng-covid-may-iba-pang-paraan-para-labanan-ang-virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending