Boy Abunda trending sa Twitter, sey ng netizens: King of talk ka nga, puro ka na lang talak | Bandera

Boy Abunda trending sa Twitter, sey ng netizens: King of talk ka nga, puro ka na lang talak

Therese Arceo - August 04, 2022 - 04:16 PM

Boy Abunda trending sa Twitter, sey ng netizens: King of talk ka nga, puro ka na lang talak

USAP-USAPAN ngayon ang TV personality na si Boy Abunda matapos lumabas ang teaser ng kanyang interview sa “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap.

Nitong Agosto 3, kasabay ng showing ng pelikula ay ibinahagi rin niya sa kanyang YouTube channel ang patikim sa naging panayam niya kay Darryl na umabot na ng libu-libong views.

Sa naturang interview ni Tito Boy ay inaasahang matatalakay ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ng direktor at mga akusasyon na ibinabato sa kanya.

Tatalakayin rin sa naturang interview kung paano nabuo ang kontrobersyal na “Maid in Malacañang”.

Agad namang nag-trending si Tito Boy sa Twitter dahil umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang teaser.

May ilan na pumuri sa TV host dahil sa pagbibigay ng pagkakataon na makapagsalita si Darryl sa mga isyung kinakaharap nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Boy Abunda (@boyabundaofficial)

Nakupo! Very interesting ito… Paki-ready na paracetamol sa mga sasakit ang ulo at sobrang bitter sa Aug 4… Good job interview sir Boy and kudos to you direk Daryll! Maraming nakaabang na manood nito!” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “I appreciate Tito Boy for interviewing everyone regardless of their color in politics. So brave tito Boy. We love you.”

“Boy Abunda interview Derik Darryl Yap regarding the movie i don’t see any problem with that at all, he is doing his job in a professional way let it be and it’s okay to see them having discussion regarding on that movie, just high respect on them,” sey naman ng isa.

Marami rin ang bumabatikos sa kanya dahil sa pagbibigay ng plataporma at sa pagiging “enabler” sa mga taong balak baguhin ang kasaysayan.

“Boy Abunda giving platforms to personalities who falsify and mock historical truths for views and likes speaks volumes about his character. Get ready for his rhetorics and justifications,” matapang na pahayag ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Nakakadiri ka, Boy Abunda. From one of the celebrated icons of the community, to one of the biggest enablers of the forsaken family. King of talk ka nga. Puro ka na lang talak.”

“Boy Abunda’s legacy changed talaga when The Buzz went off air. Ang sad lang na people of this generation will remember him differently than those who grew up respecting him in the 90s to early 2000,” hirit pa ng isa.

May mga naku-curious rin kung ano kaya ang masasabi ni Kris Aquino sa ginagawa ng kanyang malapit na kaibigan.

“You were there, Boy. You were beside her when she died. The woman who fought the Marcoses and brought back democracy in the Philippines.

“13 years after, you are now allowing and giving platforms to different personalities that has an agenda of denying history and revising it for their convenience. You allowed a teenage girl call her legacy a ‘chismis’ and justify it.

“You allowed a so-called ‘director’ to promote a movie aiming to defame her and you interviewed Imee Marcos and gave her a platform to voice out her trashy sentiments,” mahabang saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Ano kayang masasabi ni Kris Aquino sa good friend niya na si Boy Abunda? He just gave Daryl Yap, the guy behind the movie disrespecting her mother, a platform through an interview in his show.”

For sure daw ay kung walang sakit si Krissy ay nakipagbardagulan na ito kay Boy Abunda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Boy Abunda trending sa Twitter, netizens disappointed: Grabe talaga!

Edu, Nikki, Jim hindi rin natuwa sa interview ni Boy kay VP Leni: Let Ma’am speak please!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending