Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA? Bandera

Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Reggee Bonoan |September 28,2021
share this

Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?

Reggee Bonoan September 28, 2021 - 09:15 AM

Boy Abunda

TRULILI kaya ang balitang babalik sa GMA 7 ang King of Talk na si Boy Abunda? Ito kasi ang umuugong na tsismax ngayon.

Isa ito sa tinalakay nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs sa Showbiz Update YouTube channel.

Simulang pahayag ni Mama Loi, “Nay gaano kaya katotoo itong nakuha kong impormasyon na meron daw isang showmaster na mula sa Kapamilya channel na lilipat sa Kapuso channel? 

“Pero hindi pa raw nagkakasarado kasi hindi pa nagkakasundo sa contract price,” sabi ni Mama Loi.

“Blind item ba ‘yan?” tanong ni Ogie sa co-host.

“Simula nga ito sa blind item pero sa rami ng humula sabi nila si Tito Boy Abunda raw ito,” saad ni Loi.

“Ha?  Si Kuya Boy Abunda from Kapamilya magiging Kapuso na?” gulat na sabi ni Ogie.

“Oo raw pero sabi ng friend kong taga-GMA 7 ‘yun nga under nego pa. Hindi pa nagkakasarado sa presyo,” diing sabi ni Mama Loi.

Sundot ni Ogie, “Si kuya Boy daw ‘yun sabi ng friend mo? Alamin natin ‘yan kay kuya Boy kung totoo nga na me negosasyong namamagitan quietly or secretly between him and GMA management.”

Dagdag pa, “Si kuya Boy naman ‘yung tipo na hindi mo maaawat dumaldal kasi hanapbuhay niya ‘yan, hanapbuhay niyang mag-share ng knowledge, di ba through speaking sa audience niya.

“So feeling ko, e, baka naman totoo na si kuya Boy, e, magiging Kapuso na? E, dati na rin namang Kapuso si kuya Boy bago naging Kapamilya.  Ang importante lang naman dito, e, dapat hindi tayo nagsusunog ng tulay.

“Kasi marami rin naman akong kilala na Kapamilya naging Kapuso tapos kung anu-anong sinasabi (paninira) against Kapamilya kaya feeling ko ‘yung mga ‘yun hindi makakabalik.

“Si kuya Boy puwedeng maging Kapuso muna siya habang wala pang prangkisa ang Kapamilya kung totoo, ah? 

“Eventually pag meron ng prangkisa ang ABS-CBN, e, welcome naman si kuya Boy.”

Bukas ang BANDERA sa panig ni kuya Boy Abunda kung totoong babalik na siya sa GMA 7.

                                                            

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending