Tony Tuviera piniling manahimik sa gitna ng isyu ukol sa 'Eat Bulaga' | Bandera

Tony Tuviera piniling manahimik sa gitna ng isyu ukol sa ‘Eat Bulaga’

Therese Arceo - April 28, 2023 - 01:59 PM

Tony Tuviera piniling manahimik sa gitna ng isyu ukol sa 'Eat Bulaga'
SA kabila ng mga nagaganap ngayon sa longest running noontime show na “Eat Bulaga”, mas pinili ng producer nito na si Tony Tuviera ang manahimik.

Nag-reach out kasi ang King of Talk na si Boy Abunda para alamin naman ang bersyon nito ng istorya matapos niyang ma-interview ang TAPE executive na si Bullet Jalosjos ngunit mas nais na lang nitong huwag magsalita ukol sa isyu.

Sa pagsisimula ng programang “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Miyerkules, April 26, binanggit ni Boy ang mga naging statement ni Mayor Bullet Jalosjos patungkol sa “retirement” ni Tony Tuviera na siyang pinalagan ng isa sa mga OG hosts ng programa na si Tito Sotto sa kanyang naging interview sa media.

Ayon kasi sa pahayag ng dating senador, hindi naman boluntaryong umalis ang producer ng “Eat Bulaga” bagkus pinilit itong mag-retire. Ibinunyag rin nito ang patungkol sa pagkakautang ng TAPE Inc. kina Joey de Leon at Vic Sotto na aabot ng P30.5 million.

Sey ng TV host, bago pa man mangyari ang panayam niya kay Mayor Bullet ay nag-heads up muna siya kina Tony na isa ring involved sa naturang usapin.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: ‘Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey’

“I would like the public to know na bago namin ma-interview si Mayor Bullet Jalosjos, ako’y tumawag [nang] personal kay Mr. Tony Tuviera, kay Mike Tuviera—na mga kaibigan ko, na pamilya ko at other people involved sa usaping ito.

“They chose to be quiet at naiintindihan ko po at iginagalang ko po ‘yung kanilang pananahimik,” saad ni Boy.

Muli niyang iginiit na nagsabi siya kina Tony at Mike bago mag-push through ang interview para maging patas sa lahat ng partidong damay sa isyu.

“But we did call, bumusina ho kami bago kami nag-interview because you know, ang pangarap naman talaga namin is to be able to present stories as fairly as we can, and we tried to do it,” lahad ni Boy.

Ipinahayag naman ng TV host ang kanyang hiling na sana ay maayos na ang mga isyu sa pagitan ng TVJ, ni Tony, ng mga executive ng TAPE Inc, at sa lahat ng mga taong involved sa nangyayari.

“Sana maayos ito ng pag-uusap dahil kawalan din ho ito natin. [Eat] Bulaga has been part of our lives for 43 years.

“This is the reason why we continue to be interested. We are engaged in this conversation.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng mga taong involved sa kontrobersiya ng “Eat Bulaga”.

Related Chika:
Tito Sen naglabas ng sama ng loob: ‘Masagwa pakinggan ‘yung mare-retain kami, para bang pwede kaming sipain… eh, kami nga ang Eat Bulaga’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending