Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: 'Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey' | Bandera

Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: ‘Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey’

Ervin Santiago - April 26, 2023 - 09:30 AM

Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: 'Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey'

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Tony Tuviera at ang iba pang Dabarkads

AABOT sa tig-P30 million ang umano’y utang ng TAPE, Inc., ang producer ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga”, sa dalawang original hosts nitong sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Iyan ang isa sa mga pasabog na rebelasyon ng dating senador at isa rin sa mga haligi ng “Eat Bulaga” na si Tito Sotto patungkol sa mga kinakaharap na kontrobersya ng kanilang programa.

Ayon kay Tito Sen, may mga mali at hindi totoo sa mga naging pahayag ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos na siya ring chief financing officer ng TAPE, sa naging panayam nito sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)


Unang-una, totoong may issue sa pera ang producer ng kanilang noontime show. Noon pa raw ito nangyayari pero dahil sa mahal na mahal nila ang “Eat Bulaga” kaya handa silang gawin ang lahat para maipagpatuloy ang programa.

“In other words, nagkabaun-baon sa utang. Naubos na yung puhunan ng Production Specialists,” pahayag ni Tito Sen na ang tinutukoy ay ang dating produksyon na siya ring nagpatakbo noon sa Philippine Basketball Association.

Baka Bet Mo: Tito Sotto hindi iiwan si Mr. T, nakikipagdiskusyon pa nga ba sa bagong chairman ng TAPE Inc. para sa ‘Eat Bulaga’?

“Pagdating ng 1981, July 7, incorporated na ‘yung TAPE. They started producing the program. ‘Yun ang sinasabi namin na division dyan, ang TAPE Inc. producer, ang Eat Bulaga kami, ang production,” aniya pa.

Ipinaliwanag din ng veteran TV host ang isyu tungkol sa mga pagbabagong nais gawin ng TAPE sa noontime show kasunod ng pagkumpirma sa pagreretiro ni Tony Tuviera, ang isa sa mga producer ng “EB.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)


“TAPE is the producer, EAT Bulaga is the production. Eat Bulaga is Tito, Vic, and Joey,” sabi pa ng dating senador na lantarang tinutulan ang pagpapalit ng mga hosts.

“We will be sacrificing the program. Kapag ganyan ‘di tayo magkakasundo. Baka magkakahiwalay-hiwalay tayo,” sabi pa niya na nagsabing napag-usapan naman daw nila at ng management ang ilang issue.

Ang akala nga raw niya ay nagkasundo na sila na walang magbabago sa programa. “But lately, biglang may member of the board tells media something else,” ang sabi pa ni Tito Sen na ang tinutukoy ay ang pahayag ni Mayor Bullet.

Kasunod nito, ibinuking din ng TV host ang umano’y utang ng kanilang producer sa mga kasamahan niya sa show, “Wala raw utang kay Vic at Joey ang TAPE. That’s completely false, ang laki ng utang kay Vic at kay Joey. Mahigit tig-P30 million ang utang sa kanila.”

“Nagtataka kasi kami, paano mo sasabihing nalulugi ang Eat Bulaga or nalulugi ang TAPE, baka ang TAPE ang nalulugi,” sabi pa ng dating senador sabay banggit hinggil sa nakuha niyang dokumento mula Securities and Exchange Commission (SEC) kung saan nakasaad ang P213 million net profit ng TAPE para sa taong 2021.

“Paano ka nalugi? For 2022, remember election year, ang political ads nadagdag dun sa regular na mga [dami ng ads] at lumuwag ang COVID so you expect better than 213 million net profit.

“But then again, we were informed that a little over P400 million of political ads that were placed in EB vanished,” aniya pa. Mas mabuti raw tanungin ang TAPE tungkol dito para maging malinaw ang lahat.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng TAPE at ni Mayor Bullet sa mga rebelasyon ni Tito Sen.

Ariel Rivera nag-resign sa ‘Lunch Out Loud’ ng TV5: Ako na ang umalis dahil nalulugi na ang producer namin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending