Ariel Rivera nag-resign sa 'Lunch Out Loud' ng TV5: Ako na ang umalis dahil nalulugi na ang producer namin | Bandera

Ariel Rivera nag-resign sa ‘Lunch Out Loud’ ng TV5: Ako na ang umalis dahil nalulugi na ang producer namin

Reggee Bonoan |March 15,2022
facebook
share this

Ariel Rivera nag-resign sa ‘Lunch Out Loud’ ng TV5: Ako na ang umalis dahil nalulugi na ang producer namin

Reggee Bonoan - March 15, 2022 - 07:03 PM

Ariel Rivera

Ariel Rivera

SA unang pagkakataon, straight from the horse’s mouth inamin ni Ariel Rivera, dating host ng “Lunch Out Loud” (LOL) ng TV5 na nalulugi na ang programa at kaya siya umalis ay para makabawas sa bigat ng gastusin.

Ayaw basahin ni ‘Nay Cristy Fermin ang tanong ng isa sa CFMers tungkol sa pag-alis ni Ariel sa “LOL,” pero sinabi ng huli na sasagutin niya lahat ng itatanong sa kanya.

At ang sagot ng aktor at singer, “Unang-una may problema sa budget tapos ang producer namin, e, mabait, sobrang bait. In fact, nalulugi na po siya (ex-Cong. Albee Benitez), e, ayoko namang bumigat pa ‘yung problema niya.

“So, imbes na mahirapan pa siya babawasan ko na lang ‘yung gastos, umalis na lang ako. Kaya umalis ako ro’n hindi masama ang loob ko kundi masakit ang puso ko kasi mahal na mahal ko ‘yung mga tao ro’n. Kahit sinong tanungin n’yo ro’n, mahal na mahal ko ‘yung mga tao.

“Yung producer namin wala po siyang ginawa kundi ibigay ang kailangan ng show, kung ano ang kailangan namin binibigay niya po lahat. Kaya ayaw kong pahirapan siya, ang laki ng tulong niya sa show, nagpapasalamat ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ariel Rivera (@rivera.arieljose)


“Hindi ko na siya napasalamatan, ngayon palang kaya kung nakikinig si Congressman Albee gusto kong magpasalamat sa inyo pero ayaw ko ng maging pabigat sa production.

“And alam ko naman ang huhusay ng mga host doon, mabubuhay ‘yung show kahit wala ako ‘yun na lang.  ‘Yun ang totoong dahilan po no’n,” paliwanag ni Ariel.

Kuwento na si ‘Nay Cristy, nalaman niya na kapag tatlong taping ay libre ang isa at dumating sa point na nagbabawas ng talent fees at isa nga si Ariel sa kinausap tungkol dito at ito na mismo ang nagpaalam.

Sabi pa ng manunulat at host, “Tama ‘yung sinabi mo sa kabila ng pagkalugi ng producer, itinutuloy pa rin.”

Panay naman ang tango ni Ariel bilang pagsang-ayon sa kuwento ni Nanay Cristy, “Kasi maganda po ‘yung show, sobrang ganda po nu’ng show.”

Puring-puri naman ni Nanay Cristy si Ariel dahil sa sinabi nitong nalulugi na ang show kaya siya na lang ang umalis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging guest si Ariel sa “Cristy Ferminute” para sa promo ng second season ng “Sing Galing”  bilang kasama na sila ni Jona sa mga hurado ng show na produced ng Cignal at line produced ng Cornerstone Studio mula sa direksyon ni Mel Feliciano.

Ariel out na sa ‘Lunch Out Loud’; Direk Bobet may kinalaman kaya?

Gelli binalikan ang laban nila ni Ariel kontra-COVID: Nakakabaliw pala ‘yun!

Lunch Out Loud papalitan nga ba ng It’s Showtime sa TV5?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending