'Sing-Galing 3' ng TV5 mas pinabongga; Randy napa-throwback

‘Sing-Galing’ season 3 ng TV5 mas pinabongga; Randy napa-throwback

Ervin Santiago - February 26, 2025 - 07:00 AM

'Sing-Galing' season 3 ng TV5 mas pinabongga; Randy napa-throwback

Randy Santiago at K Brosas kasama ang mga Jukeboss at Sing-tokers

MALAPIT na malapit na ang “Sobrang Grand” comeback ng Original Videoke Kantawanan Show ng bansa, ang “Sing Galing“.

Makalipas ang dalawang taon, magbabalik ang iconic TV5 legacy show na “Sing Galing”, at handa na itong maghatid muli ng saya at katatawanan sa telebisyon.

Napagsama-sama nito ang magagaling, hinahangaan, at pati na rin mga bagong talento sa pinakabago nitong season. Pak na pak sa videoke format ng show, ipinakilala na sa press ang powerhouse cast sa isang “Media Videoke-Con” sa Rockstar KTV sa Greenhills nitong nagdaang February 17.

Siguradong mas magiging masaya ang mga kaawitbahay dahil magbabalik din ang tatlong original Singmasters na sina Mr. Private Eyes Randy Santiago, Ultimate Performer K Brosas, at Biriterang Beshie Donita Nose.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra ibinandera ang Top 4 song na laging kinakanta sa videoke

Hindi rin magpapahuli sa kaSINGyahan ang returnee Jukebosses na talaga namang kinikilala sa Philippine music industry: Chief Sing-patiko Ariel Rivera, OG Sing Galing host Allan K, Phenomenal Diva Jessa Zaragoza, Champion Diva Ethel Booba, at ang OPM Legend Sing-Nior Hitmaker na si Mr. Rey Valera bilang Head Jukeboss.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sing Galing (@singgalingtayo)


Apat na talented na Jukebosses ang magdadala ng dagdag na excitement: Soul Icon Ella May Saison, Asia’s Diamond Soul Siren Nina, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang multi-awarded songwriter at hitmaker na si Vehnee Saturno.

Sa pinagsama-sama nilang husay at hindi mapapantayang karanasan, siguradong magiging hamon at inspirasyon sila sa mga nangangarap na Singtestants na maging susunod na Ultimate Bida-Oke Star.

Muli ding aabutin ng “Sing Galing” ang mga kabataan sa pamamagitan ng Singtokers nilang social media sensations na sina Queenay, Gab Pascual, Ari G, at Yanyan De Jesus.

Dapat ding abangan ang pagbabalik ng first-ever grand champion nitong si Marimar bilang co-host sa companion online show na NOW ZENDING, kasama si Zendee.

Silang dalawa ang magbibigay ng eksklusibong digital content, backstage interactions, at special features na mas maglalapit ng mga kaganapan sa show sa mga manonood.

Sa mas pinalaking stage, powerhouse roster ng Jukebosses, at kapanapanabik na talaga namang Pinoy format, pangako ng Sing Galing Year 3 na maging mabisang plataporma para sa mga talentong Pilipino at sa mga nagmamahal sa musikang Pinoy. Humanda nang makipagkantawanan sa “Sobrang Grand” comeback ng “Sing Galing” dahil lahat ay kayang abutin ang tono ng tagumpay.

Magsisimula na ang “Sing Galing” ngayong March 1, at mapapanood tuwing Sabado, 5:45 p.m., sa TV5.

Samantala, sa naganap na presscon ng programa, napa-throwback pa si Randy, “Nu’ng season 1 and 2 halos kami na lang ang lumalabas sa TV because of pandemic and we were so happy na nakakapag-entertain pa kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang ratings namin noon mataas and we were hopeful noon na magkakaroon ng season 3. And eto na nga, nagkaroon na. The group is stil intact and we are so happy na ibigay sa inyo ang season 3,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending