‘Sing Galing’ magtatapos na nga ba sa Disyembre, true kaya?
TOTOO bang hanggang December 2023 na lang ang videoke reality game show na “Sing Galing” na napapanood sa TV5?
Bumalik ang naturang reality show noong Abril 2021 na produced ng TV5 at Cignal na line produced naman ng Cornerstone Studios.
Narinig namin sa “Cristy Ferminute”, radio program nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika ang balitang ito kahapon, February 13.
Say ni nanay Cristy, “Mawawala na raw ang Sing Galing? Hanggang December na lang daw ‘yung tineyp nila. Ako talaga isa ito sa mga programang tinutukan ko dito sa TV5 mula nu’ng magsimula sa totoo lang.
“Una, nakapaganda ng takbo ng programa. Maraming kabataang Pilipino ang nabigyan ng pagkakataong ma-showcase ang kanilang talent.
“Ang dami-daming awards ng Sing Galing! Ano kaya ang dahilan bakit tatanggalin?” sambit ng radio/online host.
Opinyon naman ni Romel, “E, di ba ganyan naman ang mga singing contest nagpapahinga? Babaguhin na naman kung anong segment ang idadagdag sa mga susunod (episodes) di ba ganu’n?”
“Sana ganu’n lang. Ganu’n lang talaga ‘wag tatanggalin sa ere. Hahanapin ng mga kababayan natin ‘tong Sing Galing. Ang ganda-ganda ng programang ito. Napaka-smooth, di ba? naku, direk Mel Feliciano i-text mo ako, totoo ba ito?” sabi pa ni ‘nay Cristy.
Dagdag pa, “kailangang malaman natin ito sa totoo lang, nakakalungkot naman kung totoo, nakakahinayang.”
Ang mga award na natanggap ng programa sa iba’t ibang kategorya sa nakaraang 2022 Asian Academy Creative Awards ay ang Best Non-Scripted Entertainment Program para sa “Sing Galing Sing-Lebrity Edition”, Best Children’s Programme para sa “Sing Galing Kids”, at ang Best Voice Artist para kay Show Suzuki ng “Sing Galing”.
Maganda kasi ang rapport ng namin hosts na tinawag na SingMasters na sina Randy Santiago, K Brosas at Zendee.
View this post on Instagram
Samantala, nagtanong naman kami sa taga-Cornerstone bilang sila ang line producer tungkol dito at ang sagot sa amin ay, “Nag-end na ‘yung season. New management, so baka new programming.”
Ayun naman pala tapos na ang season, sana nga ituloy ito ng bagong TV5 management dahil maganda ang feedback sa mga tagasubaybay ng “Sing Galing”. At least kapag ibinalik nila ito ay may guaranteed viewers na.
Related Chika:
‘Sing Galing’ nominado sa 26th Asian Television Awards
Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda
Billy sa natanggap na ‘birthday bash’ ni Alex: ‘Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.