Cristy Fermin hindi naniniwalang buntis si Kathryn: Kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon? Bandera

Cristy Fermin hindi naniniwalang buntis si Kathryn: Kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon?

Therese Arceo |March 04,2022
share this

Cristy Fermin hindi naniniwalang buntis si Kathryn: Kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon?

Therese Arceo - March 04, 2022 - 02:52 PM

Cristy Fermin hindi naniniwalang buntis si Kathryn: Kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon?

MAY mga kumakalat na chika ngayon na nagdadalangtao raw ang award-winning actress at longtime girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.

Ito ay nag-ugat matapos kumalat ang isang edited thumbnail ng aktres sa social media kung saan may nakalagay na pregnancy test kit at may text na “I’m pregnant”.

Maski nga sa Tiktok ay kumalat ang balitang ito at marami rin talaga ang nag-akala na dinadala na ni Kathryn ang kanilang anak ni DJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

At dahil nga viral ang isyu ay isa ito sa mga napag-usapan nina Nay Cristy Fermin kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika sa show niyang “Cristy Fermin”.

““Pangungunahan ko na po ang ating mga kababayan, ang ating mga CFMers, lalo na po ang mga tagahanga ng KathNiel. Ito po ay isang isyu na itinawag sa akin ng maraming tao, maraming sources, at iisa po ang kanilang katanungan. Ito po ay kung totoo na nagdadalang-tao ngayon si Kathryn Bernardo,” saad ng kolumnista.

Pagpapatuloy pa ni ‘Nay Cristy, Nanay Cristy then aired, “Isa lang po ang sinagot ko, hindi ako naniniwala at kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon? E alam naman natin na mahigit na isang dekada na silang magkarelasyon ni Daniel Padilla. Napag-uusapan na rin po nila ang pagpapakasal kaya lang pareho po silang nagkakaintindihan na may mga mas importanteng bagay pa silang kailangan tutukan.”

Giit pa niya, wala naman daw problema kung sakaling totoo man ang chika dahil matagal na rin namang magkarelasyon sina Kathryn at Daniel at nasa tamang edad na rin naman ang dalawa at gusto na rin naman nila na bumuo ng sariling pamilya ngunit may mga priorities pa silang nais na ma-achieve bago sila mag-settle down.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang kampo ng aktres hinggil sa kumakalat na balita. Abala rin kasi ito sa kanyang comeback romantic comedy series na “2 Good 2 Be True” kasama ang dyowa na si Daniel Padilla.

Related Chika:
Angel humirit tungkol sa pagpapakasal ni Kathryn; Dimples may warning sa KathNiel wedding
Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending