Angel humirit tungkol sa pagpapakasal ni Kathryn; Dimples may warning sa KathNiel wedding | Bandera

Angel humirit tungkol sa pagpapakasal ni Kathryn; Dimples may warning sa KathNiel wedding

Ervin Santiago |August 09,2021
facebook
share this

Angel humirit tungkol sa pagpapakasal ni Kathryn; Dimples may warning sa KathNiel wedding

Ervin Santiago - August 09, 2021 - 01:42 PM

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Angel Locsin, Neil Arce at Dimples Romana

TINUKSU-TUKSO ng mag-BFF na sina Angel Locsin at Dimples Romana ang Box-Office Queen at Kapamilya young superstar na si Kathryn Bernardo.

Nagsimula ito nang mag-comment ang girlfriend ni Daniel Padilla sa mga ipinost ni Angel na mga litrato sa Instagram na kuha sa intimate civil wedding nila ni Neil Arce.

Sa unang batch ng mga litrato na ibinahagi ni Angel sa madlang pipol makikita ang ilang naging kaganapan sa kanyang kasal, kabilang na ang kissing photo nila ng kanyang film producer husband.

Sa comments section, binati ni Kathryn ang bagong kasal, “Waahhh,” with matching three white heart emojis.

Sinagot naman agad ni Angel ang mensahe ni Kathryn at nag-dialogue nga ng, “Next ka na ba? Labyu!”
Naging close ang dalawa nang magkasama sa 2017 hit Kapamilya series na “La Luna Sangre”.

Samantala, ngayon pa lang ay binigyan na ng warning ni Dimples Romana si Kathryn kapag dumating na ang takdang araw ng pagpapakasal nila ni Daniel Padilla.

Sey ni Dimples kay Kath, baka raw “balde-balde” ng luha ang tumagas sa kanyang mga mata kapag sila na ni DJ ang nagpakasal.

Bentang-benta kasi ngayon sa social media ang mga litratong ipinost ni Angel sa IG kung saan makikita ang pag-iyak ni Dimples sa kasal nina Angel at Neil.

Ang Kapamilya actress kasi ang naging witness sa civil wedding nina Angel at Neil at talagang hindi nito napigilan ang maiyak nang bonggang-bongga habang nagpapalitan ng “I Do” ang bagong kasal.

Panunukso ni Kathryn kay Dimples, “Haaay love you sagad @dimplesromana… grabe yung iyak!” 

Reply naman ng Kapamilya actress at celebrity mom, “@bernardokath nakakahiyaaaa Jusko! Etong si ate @therealangellocsin parang ewan pinost pa nya yan lahat!!! 

“Kaya mag ready ka na kasi pag time nyo na ni DJ, balde balde malamang iluha ko,” chika pa ni Dimples.

May hirit din si Angel sa sagutan ng dalawang magkaibigan, “Nako @bernardokath ilayo mo sya kay mommy at maa-outshine nya.”

Napalapit naman sa isa’t isa sina Kathryn at Dimples nang magkatrabaho sa seryeng “Mara Clara.” Mula noon itinuring na ring parang tunay na anak ni Dimples si Kathryn.

Nitong nagdaang Sabado, sa ikalawang araw ng pagbabalik lockdown ng Metro Manila at ilang probinsya, ibinandera nina Angel at Neil na ikinasal na sila. Naganap ang civil wedding sa Taguig City.

Sa mga nakaraang panayam naman kina Kathryn at DJ na siyam na taon na ring magkarelasyon, lagi nilang sinasabi na nais nilang lumagay sa tahimik bago sila mag-30 years old. 

“Iyon naman talaga ‘yung deal namin. May ilang panahon pa kami before we turn 30,” sey ni Kathryn.

“Iyon naman talaga ‘yung plan. Napag-uusapan naman namin ni DJ. I think nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin ‘pag dumating tayo sa punto na ‘yon,” sey pa ni Kathryn na 25 na ngayon habang 26 naman si Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ng dalaga, “Iyon ‘yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. Lahat ng kailangan i-ready. Kasi malaking step ‘yon. Pagdating doon, at least ready na kami, and relax na lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending