Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa 'parinigan' nina Bayani at Vice Ganda Bandera

Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

Reggee Bonoan |August 06,2022
share this

Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

Reggee Bonoan August 06, 2022 - 06:24 PM

Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa 'parinigan' nina Bayani at Vice
HINDI napilit nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika si Randy Santiago para magbigay ng impormasyon kung ano ang gagawin niya sa bagong tatag na network na Advance Media Broadcasting System o AMBS na pag-aari ng Villar family na pamumunuan ngayon ni Willie Revillame.

Base panayam sa isa sa SingMasters host ng “SingGaling Kids” sa “Cristy Ferminute” radio show sa 92.3 News FM, Cignal Play app at One PH YouTube channe nitong Biyernes, Agosto 5 ay natanong si Randy ni ‘nay Cristy kung ano ang aasahan sa kanya sa AMBS.

“’Nay mas nakakausap mo si Kuya Will, ha, ha, haha,” tumawang sagot ng TV host.

Hirit ng manunulat at online host, “hindi, gusto kong marinig mula sa ‘yo!”

“Nakakatuwa lang kasi ‘yung tiwala sa akin ni kuya Will nandoon, of course magkaka-barkada kami. Talagang dikit na dikit ang mga bituka namin and of course malaking responsibilidad ang pinasok niya ngayon. Parang head na nga rin siya ngayon do’n sa AMBS,” pahayag ni Randy.

Bukas na aklat naman talaga na sanggang dikit sina Willie at Randy dahil kay Mr. Shades kaya nakilala ang isang Willie Revillame na naging miyembro ng Hawi Boys noong kasikatan at nakasama pa sa banda hanggang sa ibang bansa.

Si Randy ang tumulong noon kay Willie sa panahong walang-wala ito kaya naman ngayong sumikat at sinuwerte sa buhay ay hindi niya nakalimutan ang taong nagbukas sa kanya ng pinto sa showbiz.

Sabi nga ni ‘nay Cristy, “alam mo kapag nagkukuwentuhan kami ni Willie napakalaki ng utang na loob niya sa ‘yo! Isipin mo, una siyang naging drummer sa banda mo, (tapos) nag-abroad kayo, di ba? Pangalawa, sobrang tiwala mo rin sa kanya, Hawi Boy mo si Willie, eh. Tapos ‘yung samahan ninyo walang kupas talaga grabe, bilib na bilib ako sa inyo.”

“Malalim kasi ‘yung pinagsamahan namin ni Willie kaya nakakatakot din na masira at iniingatan namin. Kaya ‘yung suporta na ginagawa natin, full support talaga tayo sa project niya,” sambit ni Randy.

Susog naman ni nanay Cristy, “oo nagugulat ako nagdidirek ka ng Tutok to Win, pino-focus ka.”

 

 

Sa usaping parinigan nina Vice Ganda at Bayani Agbayani na nakasama ni Randy sa “Lunch Out Loud” at “It’s Showtime” ay hiningan ng reaksyon ang huli.

“Nakiki-marites kami anak,” saad ni ‘nay Cristy.

“Akin po ‘yun, basta narinig ko rin ‘yun, ha, ha, ha (sabay taas ng dalawang kamay na sumensyas ng peace),” say ni Randy.

“Ha, ha, ha kilala ko ‘to, eh (Randy). Alam mo ba Romel kung bakit hindi nasasangkot sa isyu ang mga Santiago dahil ang bibig nila, sarado. Ang dila nila alam kung saan ipo-posisyon.

“May mga tao kasi nagsasalita doble ang dila, they speak with two tongue. Itong mga Santiago kilalang-kilala ko ang magkakapatid na ito, hindi sila makikisawsaw kapag wala silang alam,”paglalarawan ni ‘nay Cristy.

Say naman ng singer/TV host, “galing ‘yan sa tatay at nanay namin kung paano po kami pinalaki. Alam naman natin si (Direk) Pablo Santiago mas tahimik, walang kaaway, mahal na mahal ng mga artista niya and of course Mama Ling (Cielito Legaspi).”

Naikuwento rin ng online host na hindi pa uso ang salitang plantito at plantita ay ito na ang libangan ng mama Ling nila sa kanilang bahay sa Greenhills na sobrang ganda ng garden nila na puwedeng mag-shooting.

Samantala, kung ‘kuya Randy’ ang tawag ng contestants ng Sing Galing sa kanya ay ‘ninong Randy’ na ang tawag sa kanya ng kids na kasama sa nasabing singing contest na Sing Galing Kids na napapanood sa TV5 na line produced ng Cornerstone Entertainment.

Other Chika:
Cristy Fermin binatikos si Vice: Hindi tayo pumapasok ng simbahan para manglait

Heart Evangelista na-link nga ba kina John Lloyd Cruz at John Estrada?

‘The Clash’ graduate Garrett Bolden pasok sa cast ng ‘Miss Saigon’; ending ng ‘Raising Mamay’ inaabangan na

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending