‘Sing Galing’ nominado sa 26th Asian Television Awards
PAGKATAPOS tanghaling “National Winner for Best Non Scripted Entertainment” sa Asian Academy Creative Awards ang orihinal na videoke game show na “Sing Galing”, heto at nominado naman sa 26th Asian Television Awards para sa “Best Adaptation of an Existing Format” category ang nasabing show nitong Martes, November 2.
Walang mapagsidlan ng tuwa ang buong team ng “Sing Galing” na patuloy na gumagawa ng ingay at pinagpipiyestahan ang online trending performances ng mga singtestants.
Marami ang napabilib sa kakaibang chemistry ng mga hosts nito o mas kilala bilang Sing Masters na sina Randy Santiago, Donita Nose at K Brosas.
Bilang isa sa main hosts ng programa, si Brosas ang palaging humihirit sa mga singtestants at singlebrities. Bentang-benta ang mga jokes niya at hindi rin nagpapaawat pagdating sa bosesan kaya naman ultimate ang experience kapag nanood ka ng “Sing Galing”.
Bukod kay K Brosas ay isa rin sa inaabangan ang Jukebosses tulad nina Phenomenal Diva, Jessa Zaragoza na kahit nasa ibang bansa ay tuloy pa rin ang kanyang pagiging jukeboss lalo na at isa rin sa mga jukebosses sa Sing-lebrity edition ang asawa niyang si Dingdong Avanzado.
View this post on Instagram
Kasama rin ang ‘singtokers’ na sina Niko Badayos at Billy Basilico, todo-bigay ang bawat galaw ni Yukii Takahashi. Bawat dance craze na sumisikat online hindi pwedeng palampasin ni Takahashi at minsan pa ay itinuturo niya sa mga singmasters at jukebosses.
Umabot sa 4.3% ang pinakamataas na rating nito at umarangkada na rin ang bagong edition ng Sing Galing na Sing-lebrity edition kung saan ibibida ang mga sikat na personalidad ang galing at mastery nila sa mga kantang minahal nating mga Pilipino.
Dito rin unang ipinasilip ang Lyric Video ng pinakabagong Christmas Station ID ng TV 5 na may title na “Atin Ang Paskong Ito, Kapatid”.
Mapapanood ang “Sing Galing” pagkatapos ng Frontline Pilipinas tuwing Lunes, Martes at Huwebes at ang Sing-lebrity naman ay tuwing Sabado, 6 PM sa TV 5.
Related Chika:
Vice, Sylvia, JM, Nonie lalaban sa 2021 Asian Academy Creative Awards
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.