Randy nangungulila pa rin sa namatay na anak after 7 years

Randy nangungulila pa rin sa namatay na anak after 7 years: Napakasakit

Ervin Santiago - April 09, 2024 - 09:10 AM

Randy nangungulila pa rin sa namatay na anak after 7 years: Napakasakit

Randy Santiago

KAHIT pitong taon na ang nakalilipas mula nang mamatay ang kanyang anak ay ramdam na ramdam pa rin ni Randy Santiago ang sakit at pangungulila.

Pumanaw ang anak niyang si Ryan noong August, 2017 sa edad na 24 dahil sa kanyang karamdaman.

Ayon sa singer-director, until now ay  dama pa rin ni Randy ang kirot sa pagkamatay ng anak, lalo na kapag nakikita niya ang mga litrato at video nito noong nabubuhay pa.

Napag-usapan ang tungkol dito sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan inamin ni Randy na labis-labis pa rin ang pangungulila niya sa kanyang anak.

Baka Bet Mo: Tanggapin kaya ni Randy Santiago kapag inalok siyang maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’?

Sabi ni Tito Boy sa kanya, “Iniiyak mo na lang ‘yon.” Na sinang-ayunan ng TV host at musician.

Nasa bahay pa rin daw nila ang urn o ang abo ni Ryan at wala pa raw silang plano na ilagak ito sa columbarium. Gusto nilang manatili pa rin ito sa kanilang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sunod na tanong ni Tito Boy kay Randy kung ano ang gusto niyang sabihin kay Ryan kung mabibigyan siya ng chance na makausap ito, “Samahan mo kami – ako.”

“Kapag naghahanap ka ng mga pictures, makikita mo ang anak mo, ‘di ba? Tapos ‘di lang pictures, pati ‘yong mga videos, biglang malulungkot ka na lang. Lalo na noong may sakit siya.

“Seven years na ‘yan, Tito Boy, pero nandoon pa rin ‘yung kirot. Masakit,” emosyonal pang pahayag ni Randy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Ryan, may dalawa pang anak si Randy at ang asawa niyang si Marilou Coronel, sina Raiko at Raphael.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending