Mystica nagluluksa muli sa pagpanaw ng nag-iisang anak matapos mamatayan ng apo: 'Sobrang sakit!' Bandera

Mystica nagluluksa muli sa pagpanaw ng nag-iisang anak matapos mamatayan ng apo: ‘Sobrang sakit!’

Ervin Santiago |March 26,2023
share this

Mystica nagluluksa muli sa pagpanaw ng nag-iisang anak matapos mamatayan ng apo: ‘Sobrang sakit!’

Ervin Santiago - March 26, 2023 - 01:04 PM
Mystica nagluluksa muli sa pagpanaw ng nag-iisang anak matapos mamatayan ng apo: 'Sobrang sakit!'

Mystica at Stanley Villanueva

NAGLULUKSA ngayon ang veteran novelty singer at aktres na si Mystica sa pagpanaw ng nag-iisa niyang anak na si Stanley Villanueva.

Matinding sakit at pangungulila ang nararamdaman ngayon ng tinaguriang “Split Queen” na si Mystica, o Ruby Rose Viallanueva sa tunay na buhay, dahil sa pagyao ng kanyang anak.

Sa pamamgitan ng Facebook, ibinahagi ng singer-performer, ang malungkot na balita. Aniya, namatay si Stanley nitong March 19 dahil sa Cardiomyopathy o Enlargement of the heart, Liver Cirrhosis, at Pneumonia.

Ayon pa kay Mystica, grabe ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil namaalam ang kanyang anak habang siya’y nasa Las Vegas, Nevada. Nagtungo siya roon para muling magtrabaho bilang singer at entertainer.

Bukod pa rito, patuloy pa ring ipinagluluksa ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng kanyang isang apo kay Stanley na si Ronby Gangriel Villanueva noong nagdaang Oktubre.

Sabi ni Mystica, hindi pa sigurado kung makakauwi siya ngayon sa Pilipinas para sa libing ng anak pero gagawin daw niya ang lahat para mabigyan ito ng maayos na libing at matustusan ang mga pangangailangan ng pamilyang kanyang naulila.

Kasabay nito, isang charity event din ang inilunsad ni Mystica sa Las Vegas para makalikom ng karagdagang halaga para sa pagpapalibing kay Stanley at sa pagsasaayos ng naiwan niyang pamilya sa Pilipinas.


“SOBRANG SAKIT ANAK!” ang simulang pagbabahagi ni Mystica sa kanyang Facebook post.

“To all of my friends, fans, relatives and followers: My son just died of cardiomyopathy, liver cirrhosis and pneumonia.

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio, Elle Villanueva inaatake ng ‘sepanx’ sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Return To Paradise’

“If you have a little money to spare and support for my son’s burial and funeral expenses in the Philippines, please Zelle it to: Ruby Rose Villanueva Zelle number 702-7887948 or send it to my sister’s Gcash: Ma. Presentacion M. Villanueva  Gcash # 63-9952370196 Your help will be highly appreciated! Thank you!”

Nagpadala rin siya ng mga bulaklak sa burol ng anak, “Those flowers will represent my presence kahit malayo ako sa ’yong burol anak! I’m sure your spirit can see and feel my sorrows and pain of losing you!”

Mensahe pa niya kay Stanley,  “YOU WERE NOT PERFECT, BUT YOU WILL ALWAYS SERVE AS MY GREATEST INSPIRATION, MY SON!”

“REST IN PEACE MY DEAR SON STANLEY AND GRANDSON RONBY GANGREL VILLANUEVA!”

Nakaburol ang labi ni Stanley sa St. Peter’s Chapel sa Commonwealth, Quezon City.

Kiray nagsalita na sa ginawa sa kanya ni Mystica sa lock-in taping: ‘Hala, ano’ng nangyari sa iyo, ate? Sorry po, bakit po!?’

Derrick Monasterio, Elle Villanueva inaatake ng ‘sepanx’ sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Return To Paradise’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending