Kiray nagsalita na sa ginawa sa kanya ni Mystica sa lock-in taping: 'Hala, ano'ng nangyari sa iyo, ate? Sorry po, bakit po!?' | Bandera

Kiray nagsalita na sa ginawa sa kanya ni Mystica sa lock-in taping: ‘Hala, ano’ng nangyari sa iyo, ate? Sorry po, bakit po!?’

Ervin Santiago |December 04,2022
facebook
share this

Kiray nagsalita na sa ginawa sa kanya ni Mystica sa lock-in taping: ‘Hala, ano’ng nangyari sa iyo, ate? Sorry po, bakit po!?’

Ervin Santiago - December 04, 2022 - 08:24 AM

Kiray Celis nagsalita na sa ginawa sa kanya ni Mystica sa lock-in taping: 'Hala, ano'ng nangyari sa iyo, ate? Sorry po, bakit po!?'

Mystica at Kiray Celis

BINALIKAN ng Kapuso comedienne at vlogger na si Kiray ang kontrobersyang kinasangkutan nila noon ni Mystica habang nasa lock-in taping para sa isang Kapuso series.

Nagpaliwanag ang komedyana tungkol sa pagrereklamo ng veteran singer at novelty performer nang magkasama sila sa isang kuwarto nang sumabak sila lock-in taping para sa GMA primetime series na “Owe My Love” na pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Nangyari ito noong November, 2020 kung saan kumalat ang balita na nag-resign daw si Mystica sa nasabing Kapuso series dahil kay Kiray at sa issue ng privacy during their taping.

Ayon kay Kiray, sa kabila raw ng mga pangyayari, wala siyang sama ng loob sa kapwa komedyana at hindi rin siya nagtanim ng galit  matapos ang insidente.

“Hindi ko siya nakaaway, nakakatawa, di ba? Actually, excited pa nga ako (na makasama si Mystica sa kuwarto) kasi nakakasama ko rin noong bata ako si Ate Mystica, kapag kunwari nagraraket-raket, kanta-kanta sa mga fiesta,” simulang pahayag ni Kiray sa “Updated with Nelson Canlas” podcast kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Kuwento ng dalaga, sa kanyang first day taping, dumating siya nang maaga sa set kay natulog siya dakong 6 p.m. sa kuwarto nila ni Mystica.

Nagising siya bandang 9 p.m. na at nakaramdam ng gutom. Kaya kinausap niya via chat ang kaibigan at co-star na si Jason Francisco para makikain. Nagpaalam daw muna siya kay Mystica bago umalis.

At ang sumunod ngang eksena, nag-message na raw si Mystica sa group chat ng production, “Nag-chat siya, sabi niya, ‘Wala dito si Kiray sa kuwarto.’

“Sabi ko, ‘Hala, nagpaalam naman ako sa kanya na pupunta ako kay Kuya Jason na nagugutom po ako.’

“Ayoko po isipin na kakarating ko lang doon ng first day, sasabihin naglalakwatsa po ako agad or nag-iikot-ikot ako. Natakot ako na, ‘Oh my gosh, baka kung anong isipin sa akin ng mga artista dito, mga staff,”” pagbabahagi ni Kiray.

Agad daw siyang bumalik sa kuwarto nila ni Mystica, “Pagbalik ko ng kuwarto, sabi niya. ‘I am not okay, hindi na ako okay.’

“’Hala, anong nangyari sa iyo, ate, sorry po, bakit po?’ Yun pala, ayaw niya akong kasama, gusto daw niya ng privacy.”

“Tapos tinatanong ako ng mga staff, ‘Wala akong ginawa diyan.’ Tapos yun pala naho-homesick siya. Kaya umalis din siya sa show kasi nahu-homesick pala talaga siya. Gusto niya makita anak niya,” paliwanag pa ng komedyana.

Hindi naman daw siya nagalit nang  bonggang-bongga kay Mystica, “Wala, hindi na niya ako minessage. Pero kung makikita ko siya, hindi naman ako galit sa kaniya.

“Siguro hindi niya lang ma-explain na ayaw niya ng kasama. Dapat siguro parang diniretso niya ako na, ‘Girl, ayaw kita kasama’ or gusto niya raw kasi ng privacy,” pagbabahagi pa ni Kiray Celis.

Mystica galit na galit sa sumuway sa kanyang pagkanta sa isang mall: Security lang pala!

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending