Kilalang aktor 'mabaho' raw at maraming demand, production staff naimbyerna | Bandera

Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Reggee Bonoan |September 24,2022
facebook
share this

Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Reggee Bonoan - September 24, 2022 - 07:16 PM

Kilalang aktor 'mabaho' raw at maraming demand, production staff naimbyerna
HINDI pa rin maka-get over ang production staff habang kausap namin tungkol sa kilalang aktor na sobrang sungit at super arte sa katawan gayung hindi naman siya malinis sa katawan at sa kuwarto ng hotel na tinuluyan niya during the lock in shoot ng ilang buwan.

Ang paglalarawan ng production staff na kausap namin ay ‘demanding at mabaho’ ang kilalang aktor na napakaraming demands.

“Ang daming demands, ang daming bilin na dapat maayos ang kuwarto niya sa lock in, dapat may own microwave oven, may refrigerator, malamig ang aircon, TV, may request baka raw puwedeng laging hot meal as in umuusok hindi ‘yung matagal ng naluto saka ise-serve.

“Kasi siyempre catering, ilalagay sa labas ng pinto niya sa hotel kasi siyempre nag-iingat pa, so hindi puwedeng magkakasamang kumain ang lahat, minsan may mga nagsasabay.

“Itong si (kilalang aktor) ayaw ng me kasama sa kuwarto, solo tapos ‘yun nga ang daming demands, pati personal niyang gamit like sabon, toothpaste, toothbrush. Oo sagot ng hotel, pero di ba dapat pag namimili ka ng brand sagot mon a?

“So, para matapos, pinagbigyan na lang namin. Tapos nu’ng ako na mismo ang pumasok sa room para ihatid ‘yung mga hiningi niya, naloka ako sa amoy ng kuwarto. Ang bago as in, parang panis na laway o amoy tao na hindi naligo bago natulog?

“Siya lang naman ang ganyan, ‘yung ibang sikat na artistang kasama sa lock in hindi naman ganyan, sagot nila ‘yung personal na gamit at nagdala ng sariling mini ref, microwave etc. itong si (kilalang aktor), nakakabaliw. Mabaho naman,” iritang kuwento ng aming kausap.

Base naman sa personalidad ng aktor ay mukha namang masungit talaga pero ‘yung may amoy o mabaho ay hindi naman namin siya naamoy kapag may presscon. Siyempre tiyak na naligo siya to the max, ‘yun nga lang hindi siya amoy pabango.

Hoping ang production staff na kausap namin ay ayaw na nilang maka-work ang kilalang aktor at pag nangyari raw iyon, “pass muna ako, ha, ha, ha.”

 

Other Chika:
Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?

Mag-asawang kilala sa showbiz madalas nang mag-away, hindi na nagsasama sa isang kuwarto

Pamilya ni Luane Dy nagka-COVID din: Nakakatakot, sobrang napapraning kami…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin pumalag kay Dawn Chang; humingi rin ng public apology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending