Pamilya ni Luane Dy nagka-COVID din: Nakakatakot, sobrang napapraning kami…
Carlo Gonzalez, Luane Dy at Baby Christiano
MATINDING kapraningan ang naramdaman ng Kapuso couple na sina Luane Dy at Carlo Gonzalez nang tamaan ng COVID-19 ang anak nilang si Christiano.
Una raw nahawa ng virus ang bata hanggang sa magkaroon na rin silang mag-asawa kaya naman agad-agad silang nag-self-quarantine sa iba’t ibang kuwarto.
Nagkuwento ang Kapuso TV host sa isang panayam tungkol sa naging kaganapan sa kanilang tahanan nang magpositibo sa COVID-19 ang kanyang buong pamilya.
Aniya, buti na lang daw ay mild lang ang naramdaman nilang sintomas kaya naging mabilis lamang ang kanilang pagpapagaling at recovery process.
“Okay naman, buti na lang mild lang. Hindi rin namin alam kung saan nanggaling at kung paano kasi we don’t really go out so hindi namin alam. May nakapasok yata sa amin na virus bigla,” ang pahayag ni Luane.
Una nga raw tinamaan ang baby nila ni Carlo na si Christiano, “Nakakatakot kasi pero parang nauna si Christiano.
“‘Yung baby ‘yung unang nakakuha pero parang mabilis lang sa kanya. Parang 24 hours, after 24 hours okay na siya,” sabi pa ng TV host at celebrity mom.
Talagang alalang-alala ang mag-asawa nang magpositibo sa COVID-19 ang kanilang anak dahil nga napakabata nito at hindi pa bakunado.
“Una sa lahat sobrang takot kami, sobrang napapraning kami, especially sa mga bata kasi sila ‘yung wala pang bakuna.
“Okay lang na sa amin na lang ‘yung mas mahirap na pinagdaanan. Hindi mo kasi alam kung paano nila lalabanan kung sakaling magkaroon sila, kung paano lalabanan ng katawan nila,” sabi ni Luane.
View this post on Instagram
Samantala, ikinuwento rin niya kung paano sila nagpagaling ni Carlo at nagpalakas para labanan ang virus habang naka-isolate nang magkahiwalay.
“Para kaming preso, kanya-kanyang kuwarto kasi naka-isolate lang kami. Talagang nakakulong tapos dadalhan na lang kami ng food tapos lahat disposable.
“Masasabi ko talaga na nakakabato habang naka-quarantine kami kasi nakakulong ka lang sa kuwarto,” sabi pa ng Kapuso host.
“Kahit gaano ka kaingat, meron at meron. Talagang kapag magkakaroon ka, magkakaroon ka,” aniya.
Abot-langit naman ang pagpapasalamat niya nang finally ay nagnegatibo na silang lahat sa virus at tamang-tama naman ito sa selebrasyon ng kanyang birthday nitong nagdaang Jan. 25.
“Birthday gift ‘yun sa akin na nakalaya na kami noong birthday ko,” mensahe pa ni Luane Dy.
https://bandera.inquirer.net/291762/francine-naibili-na-ng-bahay-at-sasakyan-ang-pamilya-pangarap-ding-makakuha-ng-college-diploma
https://bandera.inquirer.net/296384/ivana-never-naging-dyowa-si-marco-binigyan-ng-pag-asa-si-joshua-sakaling-manligaw
https://bandera.inquirer.net/304240/carlo-aquino-trina-candaza-hiwalay-na-nga-ba
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.