Omicron strain na sanhi ng ‘surge’ ngayon sa China, na-detect na sa Pinas
INANUNSYO ng Department of Health (DOH) na nasa Pilipinas na ang klase ng Omicron strain na nagdudulot ng COVID-19 surge sa China.
Base sa latest biosurveillance report ng DOH, apat na kaso na ng tinatawag na “Omicron subvariant BF.7” ang naitala sa ating bansa matapos isagawa ang genome sequencing sa Philippine Genome Center (PGC) noong December 14 at 15.
Ang apat na infected ng nasabing strain ay nagmula sa Metro Manila.
Ayon pa sa inilabas na pahayag ng DOH, ang bagong subvariant ay hindi nila nakikitaan ng pagkakaiba sa severity o clinical manifestation mula sa orihinal na Omicron.
Sey ng ahensya, “Available evidence for BF.7 does not suggest any differences in disease severity and/or clinical manifestations compared to the original Omicron variant.”
Ipinaliwanag ng World Health Organization (WHO) na ang BF.7 at BA.5.2 ay mula rin sa BA.5.
At sa kasalukuyan, ang dalawang nabanggit na virus ay ang pinakamaraming kaso na naitatala sa China mula pa noong nakaraang buwan.
Bukod sa China, kumakalat na rin ang BF.7 sa United States, India at sa ilang bansa sa Europa, gaya ng Belgium, Denmark, France at Germany.
Nilinaw naman ng isang health expert na hindi naman kinakailangang madaliin ang paghihigpit sa mga dumarating mula China.
“At this point in time, that can be considered, but maybe we should first look at the real situation in China. We should not rush in terms of border control,” sey ni Dr. Rontgene Solante.
Patuloy pa niya, “Because we don’t have a very accurate information,… we need to observe further. We need to study if we need to do a border control.”
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, nakapagtala ang Pilipinas ng 1,031 na mga bagong kaso ng COVID-19.
Muling nagpaalala ang ahensya sa publiko na patuloy na tumalima sa nakagawiang minimum health protocols.
“The DOH reiterates the need to put more emphasis on other factors, such as wearing of best-fitting face masks, isolating when sick, doubling-up protection via vaccines and boosters, and ensuring good airflow because these are the measures that we can address and control, rather than focusing on the presence of a transmissible variant,” sabi ng ahensya.
Read more:
Bagong COVID-19 Omicron strain na ‘BQ.1’ nasa Pinas na, 14 positibo
Mas nakakahawang COVID-19 Omicron ‘XBB subvariant’, ‘XBC variant’ nasa Pinas na
DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.