Estudyante nanapak ng prof habang ginaganap ang graduation

Estudyante nanapak ng propesor habang ginaganap ang graduation

Ervin Santiago - July 02, 2024 - 08:16 AM

Estudyante nanapak ng propesor habang ginaganap ang graduation

Photo from Facebook

NAKAKALOKA ang ginawa ng isang galit na galit na estudyante sa isang teacher habang ginaganap ang kanilang graduation ceremony.

Nangyari ang insidente nitong nagdaang June 20, 2024, sa graduation ng mahigit 10,000 mag-aaral sa Fudan University sa Zhengda Stadium, Shanghai, China.

Sa unang bahagi ng pagtatapos ng mga estudyante ay naging maayos ang seremonya hanggang sa umakyat na nga sa stage ang estudyanteng nakilala sa pangalang Hsia.

Walang sabi-sabi nitong sinuntok sa mukha ang isa mga propesor na nasa entablado.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino, Trina Candaza nag-reunite, present sa moving up ceremony ni Mithi

Sa isang video na nag-viral sa social media, nangyari ang panununtok ng mag-aaral sa degree conferment segment.

Makikitang nakahilera sa stage ang mga professor sa nasabing unibersidad suot ang kani-kanilang pulang toga. Isa-isang haharap ang mga graduates sa mga guro upang ipalipat sa mga ito ang kanilang tassels.

Maayos namang nakaakyat ang anim na naunang estudyante pero pag-akyat nga ng ikapito, bigla na lamang nitong sinuntok ang professor na nasa kanyang harapan.

Natanggal ang cap at nabasag ang suot na salamin ng nasapak na teacher. Siyempre, shookt ang lahat ng nasa graduation rites.

Mabilis namang bumaba ng stage ang estudyante. Isinugod naman sa ospital ang professor na nagtamo ng minor injuries.

Baka Bet Mo: Bianca napaiyak sa ‘Moving Up Day’ program ng anak; nagpasalamat sa mga teacher

Samantala, sa ulat ng RTI Radio Taiwan International, nabanggit ng mga tagaroon na mukhang isa na naman itong kaso ng mistaken identity dahil ang dean daw talaga ng nasabing university ang totoong pakay ng estudyante.

Nabanggit ng ilang alumni sa school na mula sa Taiwan ang estudyante, at kasama sa shortlist para sa Peking Univeristy Health Schience Center master’s degree program nitong nagdaang April.

Ngunit sa kasamaang palad hindi umano pinayagan si Hsia dahil ayon sa mga opisyal ng unibersidad kailangan muna siyang sumailalim sa ideological and moral assessment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng Student Affairs Office at Law School staff ng unibersidad ang nangyaring pananapak. Wala pa rin daw official statement ang sangkot na estudyante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending