Xian Gaza ibinuking ang ‘scam’ ni Fynest China, nagbardagulan sa socmed
MAY nagaganap na sagutan sa social media sa pagitan ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza at internet star na si Fynest China.
Nagsimula ‘yan sa pa-blind item ni Xian na ibinuking ang isang social media personality na madalas mang-scam sa napipiling followers.
Heto ang pahayag niya sa isang Facebook post:
“BLIND ITEM: Sinetch itey na isang medj sikat na personality ang umiidolo sa PCSO at kunyareng namimigay ng milyun-milyon sa kanyang chosen followers pero yun pala ay binayaran lang niya ng 5K yung tao para magpanggap na may nareceive n 1M from hem.”
Baka Bet Mo: Cristy itinuro si Xian Gaza sa isyu kay Bullet; hindi raw pakawala ng TVJ
Kasunod niyan, Ibinandera ni Xian ang video clip ni Fynest na mapapanood ang pagbili niya ng dream car.
Ayon sa FB post ng Pambansang Marites, hindi totoong bumili ito ng kotse na may halagang 25 to 30 million pesos.
“May isang Pinoy na lumapit sa akin and said na kilala daw niya yung manager ng car dealership. Wala daw siyang binili. Nag-video video lang daw sa loob.” kwento ni Xian.
Ani pa niya, “Inis na inis daw yung may-ari. This chesmes is kompirmd 100%”
Nag-post ulit si Xian sa FB at tila nagpaabot pa siya ng mensahe sa socmed star.
“Walang masama kung nagpapanggap ka na mayaman. Kanya-kanyang pautot lang yan for the sake of clout and social media branding. Basta huwag lang masyadong halata,” sambit niya.
Payo pa niya, “Dapat i-improve ang characterization para tumaas ‘yung value ng brand. Huwag din impulsive sa paggawa ng content para hindi mabutasan at hindi mapahiya. Pagplanuhan maigi. Gamitan ng utak at huwag pabigla-bigla. Before you upload, ask yourself ‘Maja-justify ko ba ang post na ito? Kapani-paniwala ba? Hindi ba ko magmumukhang tanga? Hindi ko ba ito ikasisira?’”
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa umiisyu na ‘ladyboy’ ang fiancèe: Hindi ito insulto
Sinagot naman ‘yan ni Fynest kung saan shinare niya ang mensahe ni Xian sa kanyang FB page.
“Thank you kuya Christian okay na po!” wika niya sa post.
Paliwanag niya, “Wala naman po akong niloko sa mga natulungan ko at sa mga giveaway ko po.”
Kasabay niyan ay umamin ang internet personality na may bahagi sa kanyang content ang talagang scripted para makapagbigay-aliw sa mga nanonood sa kanya.
“And yes as a content creator since 2017 po syempre part na rin po iba na i-script for entertainment po and with exaggeration,” pag-amin niya.
Dagdag ni Fynest, “Ayaw ko na po makipagtalo sorry din sa mga nasabi ko. May mali rin po ako sa iba inaamin ko pero lahat po ng binili ko sakin po talaga ‘yun kuya.”
Sa huli ay iginiit niya na wala siyang nilokong tao at handa rin daw siyang maglabas ng resibo upang patunayan ito.
“Panindigan ko po lahat ng ginawa ko pero sana maintindihan niyo wala po akong niloko sa mga binili or tinulungan ko po kahit po pakita ko pa kuya [red heart emoji],” wika niya.
Ani pa niya, “Ihope we can fix this in a calmly manner whatever the problem is! Godbless po kuya [red heart emoji].”
Para sa mga hindi masyadong aware, si Fynest China ay sumikat dahil sa mga kwela niyang skit noong pandemya.
Lalo siyang nakilala dahil sa mga content niyang kumakasa sa mga “challenge” na ibinabato sa ng kanyang followers na ang kadalasan ay milyon-milyon ang halaga na inilalabas niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.