Xian Gaza sinadyang lituhin ang madla tungkol sa Thai fiancèe
PINLANO raw talaga ng social media personality na si Xian Gaza na lituhin ang madlang pipol tungkol sa tunay na kasarian ng kanyang Thai fiancèe.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang mga larawan ng fiancèe noong nag-aaral pa ito.
I asked Kumpuy.TH kung anu-ano ang pinagawa niya sa kanyang mukha. Sabi niya, natural daw lahat. Ayaw kong maniwala, knowing Thailand? Hmm.
“So hinalungkat niya yung litrato niya when she was 16 years old, edad na bawal pang magparetoke kahit may parent’s consent. sana [all] favorite ni God,” pagbabahagi ni Xian.
Nag-post rin ito ng video kung saan makikitang tila nagba-vlog ang kanyang fiancèe.
“sabi ko sa kanya, napagkamalan siyang ladyboy. [S]abi niya, wala daw siyang nakikitang mali do’n. [H]ere’s our no filter selfie video mula sa vlog niya,” saad ni Xian sa caption.
Makikita naman na isa sa mga kaibigan niya ang nag-comment at nagsabing confused siya kung ladyboy ba talaga ang fiancèe o tunay na babae.
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa umiisyu na ‘ladyboy’ ang fiancèe: Hindi ito insulto
View this post on Instagram
Chika ni Xian, sinadya niya raw na malito ang madlang pipol para mas mag-trending sila.
“Sinasadya kong lituhin kayo para lalo siyang mag-trending at makilala sa Pinas.
“I always make sure that every situation is to my advantage. She is female since birth,” sabi pa ni Xian.
Aniya, wala rin namang problema kung i-assume ng mga tao na isa siyang ladyboy.
“Wala namang problema kung i-assume na ladyboy. Walang mali doon. Hindi ko lang nagustuhan eh yung iba may kasunod pang insulto. Tapos ngayong sinakyan ko eh tignan mo bandang huli ako pa ang mali,” giit pa ni Xian.
Una nang naglabas ng pahayag ang social media personality na hindi niya pinabubulaan ang mga komento ng netizens na “ladyboy” ang kanyang dyowa.
“”Ang tingin ko sa mga babae at sa mga transgender ay iisa lang. Sinasabihan din po akong bakla. Wala din po akong nakikitang mali sa pagiging isang bakla. Hindi ito isang insulto para sumama ang loob ko,” lahad pa ni Xian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.