Xian Gaza sa umiisyu na 'ladyboy' ang fiancèe: Hindi ito insulto

Xian Gaza sa umiisyu na ‘ladyboy’ ang fiancèe: Hindi ito insulto

Therese Arceo |February 22,2024
facebook
share this

Xian Gaza sa umiisyu na ‘ladyboy’ ang fiancèe: Hindi ito insulto

Therese Arceo - February 22, 2024 - 12:13 PM

Xian Gaza sa umiisyu na 'ladyboy' ang fiancèe: Hindi ito insulto

TILA walang pakialam ang social media personality na si Xian Gaza sa mga nagsasabing “ladyboy” ang kanyang Thai fiancèe na si Kumpuy.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang pahayag ukol sa mga hanash ng netizens.

“Hindi ko po dine-debunk o pinapasinungalingan yung tsismis na ladyboy ang fiancee ko kasi wala po akong nakikitang mali kung ladyboy man siya,” panimula ni Xian.

Pagpapatuloy niya, parehas lang ang tingin niya sa mga babae mapa-straight man o transgender.

“Ang tingin ko sa mga babae at sa mga transgender ay iisa lang. Sinasabihan din po akong bakla. Wala din po akong nakikitang mali sa pagiging isang bakla. Hindi ito isang insulto para sumama ang loob ko,” lahad pz ni Xian.

Bukod rito, ibinahagi rin ng social media personality na ibinigay na niya ang kalahati ng shares ng kumpanya niya sa Thai fiancèe.

Baka Bet Mo: Xian Gaza engaged na, umutang ng P100k kay Boss Toyo pambili ng singsing

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagbigay naman ng tips si Xian para sa mga lalaking balak mag-date ng mga Thai girls.

“At kung sakali man na may i-date kayong babae sa Thailand at hindi niyo ma-figure out kung siya ba ay isang ladyboy or cis dahil sa sobrang ganda, here’s my piece of advice: Travel kayo abroad, kunin mo yung passport habang tulog, check mo kung “F” or “M”.

“wala yan sa Adam’s apple o legs, nasa passport yan,” hirit pa ni Xian.

Nag-comment naman si Melissa Enriquez na isang transwoman sa post ng kaibigan.

“babae, lalaki, bakla o tomboy. HAYAAN NYO NA! ANG IMPORTANTE WALANG GINAGAWANG MASAMA SA INYO. AT RELASYON NILA YAN, SILA YUNG NAGSASAMA, DI KAYO KASAMA SA ARAW ARAW NILANG PAMUMUHAY,” sey niya sa post ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang kamakailan lang nang ianunsyo ng kontrobersyal na social media personality ang kanyang engagement sa Thai girlfriend.

Unang nakilala si Xian matapos siyang magpa-billboard para ayaing makipag-date sa kanya si Erich Gonzales noong 2017.

Noong 2018 naman ay na-convict siya ng 11 counts of violation alinsunod sa Bouncing Chrck Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending