Cristy itinuro si Xian sa isyu kay Bullet; hindi pakawala ng TVJ

Cristy itinuro si Xian Gaza sa isyu kay Bullet; hindi raw pakawala ng TVJ

Reggee Bonoan |February 22,2024
facebook
share this

Cristy itinuro si Xian Gaza sa isyu kay Bullet; hindi raw pakawala ng TVJ

Reggee Bonoan - February 22, 2024 - 09:48 AM

Cristy itinuro si Xian Gaza sa isyu kay Bullet; hindi raw pakawala ng TVJ

Bullet Jalosjos, Cristy Fermin at Xian Gaza

KUNG may isang tao raw na naglagay kay Mayor Bullet Jalosjos sa kontrobersya, yan ay walang iba kundi ang social media personality na si Xian Gaza.

Siya ang itinuro ng batikang showbiz columnist at host na si Nanay Cristy Fermin na nagbanggit sa pangalan ng alkalde na benefactor umano ni Dominic Roque.

“Si Xian Gaza po, isang vlogger, diniretso po niya na si Mayor Bullet Jalosjos talaga ‘yung nagbabahay dito kay Dominic Roque. Sa akin n’yo po ba ‘yon narinig?” ang pahayag ni Nay Cristy sa kanyang programang “Cristy Ferminute.”

“Ang mga vloggers po na nakisawsaw na nga lang ay kung bakit naglagay pa sa inyong lingkod at sa aming mga programa, itong CFM at ang SNN, sa alanganin.

Baka Bet Mo: Bakit nadamay si Mayor Bullet Jalosjos sa hiwalayang Dominic at Bea?

“Nangopya, kinrap, nagbuo ng sarili nilang content na ang binabato, ‘ayon kay Cristy Fermin,’” pahayag ni Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Napakagasgas na po ng swelas ng pangalan ko. Hindi ko po ninanais na ganoon ang mangyayari.”

Sabi pa, “Nagsalita po, umaray sina Mayor Bullet Jalosjos at Ginooong Bong Suntay ang kanilang kasarian ay kinukuwestiyon pinagtatawanan lang daw po nila pero nadadawit daw po ang kanilang pangalan sa hindi kagandahan na sitwasyon?

“Napanood ko po ang kanilang interview kay kasamang Jay Ruiz na ayon kay Mayor Bullet, ‘pinauupahan ko ang unit kay Dominic na hindi ko ipagagawa at siya ang magpapagawa at uupahan niya ng 50%.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang eksakto pong sinabi (ni Mayor Bullet), ‘pinauupahan ko ang condo unit, hindi ko ibinabahay si Dominic.’ ‘Yun po ang kanyang sinabi.

“Si Ginoong Bong Suntay naman po ay wala tayong magiging problema hindi po tayo magkakilala kahit si Ginoong Bullet at nakilala ko lang ang pangalan niya nu’ng magkaroon sila ng problema ng Tito, Vic and Joey na ang TAPE, Inc. na sila (Jalosjos) ang may-ari,” depensa pa ni Nay Cristy.

Baka Bet Mo: Apela ni Bullet Jalosjos: ‘Sana bigyan po kami ng chance, ang bagong stars ng Eat Bulaga’

At dito pa niya nabanggit na nasisilip ng mga kasamahan nito na bakit pangalan lang niya ang nabanggit nang paulit-ulit sa official statement ni Dominic.

“Ayon sa aking mga kaibigan na hindi ko naman po pinaniniwalaan ng isang daang porsiyento dahil may sarili naman po akong paniniwala sa mga isyu.

“Ang sabi nila, ‘dahil kasi TVJ supporter ka (at) defender ka.’ Ang linaw po ng mensahe pero parang mas gusto kong paniwalaan na ako ang kanilang tinututukan dahil ayon sa kanila (Dominic at Bullet) dahil malisyoso at mapanirang puri ang mga binato kong salita kay Dominic Roque.

“Kung pinangalanan ko po si Mayor Bullet Jalosjos, magkakaroon po yan ng malisya kasi iisipin ng kanyang mga kapanalig na kampi ako sa Tito, Vic and Joey, pakawala ka ng TVJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi po ako pakawala ng TVJ, ako po ay tagasuporta dahil ako po ay naniniwala at naninindigan sa katotohanan!” diin ni Nay Cristy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending