Dominic Roque umalma sa FB page na nagpapakalat ng fake news

Dominic Roque umalma sa FB page na nagpapakalat ng fake news

Therese Arceo |February 21,2024
facebook
share this

Dominic Roque umalma sa FB page na nagpapakalat ng fake news

Therese Arceo - February 21, 2024 - 07:29 PM

Dominic Roque umalma sa FB page na nagpapakalat ng fake news

MUKHANG ayaw tantanan ng mga mali at mga pekeng balita ang isa sa mga kontrobersyal na aktor ngayon na si Dominic Roque.

Patuloy kasing nagsusulputan ang mga faje news ukol sa aktor lalo na nang makumpirma sa publiko ang paghihiwalay nila ng kanyang fiancèe na si Bea Alonzo.

Sa katunayan, base sa kanyang recent Facebook post ngayong araw, February 21, pinabulaanan ni Dominic ang usang artcard na gumagamit ng kanyang pangalan at larawan.

Kalakip rin sa artcard ang paalala raw niya sa mga kalalakihan ukol sa kanyang pinagdaanan.

“Guys, never ever choose a girl na dumidepende sa yaman na meron ka at hindi sa pagmamahal na kaya mong i-offer. I should have known this from the start. Lesson learned,” saad sa artcard na may pangalan at picture ni Dominic.

Paglilinaw niya, hindi nagmula sa kanya ang mga pahayag na ito.

Baka Bet Mo: Dominic Roque bumuwelta, pumalag sa mga vlog ni Cristy Fermin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Philippines No.1 Page FAKE NEWS!!! [emojis] FAKE NEWS!!! [emojis] FAKE NEWS!!! [emojis]” saad ni Dominic sa caption ng naturang post.

Agad rin sigurong nilinaw ng aktor ang mga maling pahayag na gumagamit sa kanya dahil maaaring madamay na naman ang kanyang dating kasintahan.

Marami sa mga netizens ang nag-comment at nagpakita ng suporta para kay Dominic.

“Tapos ung ibang mga tao Basta Basta nlang Ng co-comment Ng masama di nila tinitingnan kung totoo o Hindi,kawawa ung mga taong nasisira na Wala Namang ginagawa,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “kahit anung paninira nyo kay Dominic Roque still we support him kasi mas alam naming mabuting tao sya.”

“Nasisira yung tao, sa mga gusto kumita sa maling paraan sad talaga,” sey naman ng isa.

Matatandaang kahapon, February 20, nagsalita na si Dominic ukol sa mga maling akusasyon na ibinabato laban sa kanya gaya ng pagkaka-link niya kina Mayor Bullet Jalosjos at former Cong. Bong Suntay pati na rin ang diumano’y hindi nila pagkakaintindihan sa pre-nuptial agreement ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending