Carlo Aquino, Trina Candaza nag-reunite, present sa moving up ceremony ni Mithi | Bandera

Carlo Aquino, Trina Candaza nag-reunite, present sa moving up ceremony ni Mithi

Therese Arceo - May 27, 2023 - 04:46 PM

Carlo Aquino, Trina Candaza nag-reunite, present sa moving up ceremony ni Mithi

SPOTTED na magkasama ang aktor na si Carlo Aquino kasama ang dating karelasyon na si Trina Candaza.

Muling nagkasama ang dalawa para suportahan ang kanilang anak na si Mithi sa kanyang moving up ceremony.

Bukod kina Carlo at Trina, present rin ang mga magulang ng aktor para masaksihan ang isa sa mga milestones ng apo.

Ang mga larawan ay naka-post sa Instagram page na ginawa nila para kay Mithi.

“Moving up day,” ayon sa caption ng anak nina Carlo at Trina.

Marami naman sa mga netizens ang super happy na makita ang dalawa sa kabila ng mga nangyari noon para magbigay suporta sa special day ni Mithi.

Baka Bet Mo: Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enola Mithi Candaza Aquino (@enolamithi)

“Nakakatuwa makita kasama buong pamilya,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “good job…kambal sila ni carlo..ang gandang bata.”

“Napakaganda mo tig Miss Trina, congratulations for being a great mom @jose_liwanag. Godbless you for being with them. the best picture l’ve seen today. Happy moving up mithi @enolamithi
Ganda2 mo,” sey naman ng isa.

Matatandaang nitong January lamang nang maging laman ng balita sina Carlo at Trina matapos sabihin ng aktor na hindi siya pinapayagang makita ang kanyang anak.

Agad naman itong pinabulaanan ni Trina at sinabing pwede namang bisitahin ng aktor si Mithi at nagbibigay naman ito ng sustento ngunit diumano’y “bare minimum” lamang ang ibinibigay nito sa anak.

January 2019 nang maging magkarelasyon sina Carlo at Trina habang September 2020 naman nang ipanganak ng huli si Mithi ngunit December 2021 ay naghiwalay ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon ay inamin ng aktor na kasalukuyan silang nagde-date ng Kapamilya star na si Charlie Dizon na nakasama niyang mag-Pasko sa La Union kasama ang kaniyang pamilya.

Related Chika:
#SecondChance: Carlo Aquino, Trina Candaza OK na uli ang relasyon, mauwi nga kaya sa pagbabalikan?

Carlo, Trina maayos ang usapan sa pagpapalaki, pag-aalaga kay Baby Mithi kahit hiwalay na raw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending