Netizen nanggalaiti sa mga nambasa sa Wattah Wattah Festival

Netizen nanggalaiti sa mga nambasa sa Wattah Wattah Festival, gadgets nasira

Therese Arceo - June 29, 2024 - 12:24 AM

Netizen nanggalaiti sa mga nambasa sa Wattah Wattah Festival, gadgets nasira

VIRAL ngayon ang rant ng isang netizen ukol sa naganap na “Wattah Wattah Festival” sa San Juan City kung saan tila marami sa mga madlang pipol ang nakaka-relate.

Ayon sa anonymous post ng netizen, isa raw ang sinasakyan niyang jeepney sa mga napag-tripan ng mga residente ng San Juan na binasa at sinabuyan ng tubig bilang parte ng selebrasyon ng kanilang kapistahan.

Para sa kaalaman ng mga hindi aware, ang Wattah Wattah Festival ay isang pagdiriwang sa kapistahan ng kanilang patron saint na si St. John the Baptist.

Panimula ng netizen sa kanyang rant, “Galit na galit ako sa San Juan Festival.”

Kuwento niya patuloy pa rin ang nararamdaman niyang galit dahil sa mga nasira niyang gamit gaya ng cellphone at laptop dahil napagdiskitahan ng mga “iskwater” ang jeep na kaniyang nasakyan.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: ‘Best Jail Officer’ kinilala sa San Juan City

“Pinigilan nila yung jeep namin. Gusto na silang banggain ng driver pero binuhusan nila bigla ng isang tabong tubig sa mukha yung driver. Buti nga hindi nya naapakan yung pedal dahil baka may mas malaking aksidente pang nangyari,” kuwento ng netizen sa naranasan niya sa Wattah Watah Festival.

Hindi lang naman daw siya ang nasiraan ng gamit dahil maging ang mga estudyante na kasama niya sa jeep ay naiyak dahil nabasa ang mga requirements na kinakailangan nilang ipasa sa eskuwelahan.

“Yung batang katabi ko, muntikan pang malunod dahil walang tigil yung pambabasa na ginawa ng mga tao sa paligid ng jeep namin. May isang malaking drum na bigla nilang binuhos sa bintana kung saan nakaupo yung bata. Sigaw nang sigaw yung nanay nya, pero tawa lang nang tawa yung mga basurang tao na nasa labas ng jeep,” pagpapatuloy ng netizen.

Dagdag pa niya, gusto niyang magwala noong araw na ‘yon dahil sa naranasan.

“40,000 pesos ang laptop ko. 23,000 pesos ang cellphone ko. Sino ngayon ang sisisihin at sisingilin ko? Sino ang dapat managot sa lahat ng mga sinira ng mga basurang tao na nambabasa sa kalsada? F*ck San Juan Festival. Sana maglaho yang fiesta na yan,” sey pa ng netizen.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang viral post na ito.

“Okay naman itong festival before, pinababoy lang ng generation ngayon,” saad ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Magreklamo po kayo sa Mayor ng San Juan its time na siguro na itigil na nila yang tradisyun nila na yan. Hindi na nakakatuwa. Nakakasakit na sila which is mali at hindi kaaya aya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I think it’s time na para i-reconsider ni Mayor on how we express our traditions without negatively impacting others. Mag celeb nalang in one place sa San Juan (not the whole San Juan) na allowed mamasa nang joiners or the peeps na involved sa fiesta. Tapos siguro dapat well informed mga tao especially sa commuters na may important na pupuntahan na wag doon dadaan so di sila mababasa,” suhestiyon naman ng isa.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang local government unit ng San Juan at humingi ng tawad sa lahat ng mga naperwisyo ng residente ng naturang lungsod.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending