Babaeng netizen pumayag 'mamakla' ang BF para makinabang din

Babaeng netizen pumayag ‘mamakla’ ang dyowa para makinabang din

Ervin Santiago - July 31, 2024 - 09:15 AM

Babaeng netizen pumayag 'mamakla' ang dyowa para makinabang din

VIRAL ngayon ang Facebook post ng isang babaeng pumapayag na pumatol sa bading ang kanyang dyowa kapalit ng pera at mamahaling mga gamit.

Mismong ang girl kasi ang nambuking sa kanyang boyfriend na “namamakla” raw ngunit okay lang daw sa kanya dahil makikinabang din daw siya sa ibinibigay ng beki sa dyowa niya.

May mga netizens na naniniwalang totoo ang sinasabi ng girlalu tungkol sa kanyang boyfriend pero may mga nakabasa rin sa kuwento na parang kathang-isip  o gawa-gawa lang daw niya ito.

Uploaded ang naturang post sa online community page na “TCU Secret Files” kung saan may pasakalye pa itong, “Wag lagi puso ang pairalin, dapat utak din.”

Baka Bet Mo: Janica Nam Floresca dumalaw kay Hashtag Franco kasama ang bagong BF: My heart is full

Pagbabahagi ng babaeng netizen, “I’m not against LGBTQ community pero I’ll have to take advantage din since magagamit ko yung phone sa pag aaral ko.

“This kind of opportunity eh minsan lang, kaya pinayagan ko na yung boyfriend kong mamakla. Kaya pala ang daming pera neto kahit walang work, kung san san ako nililibre haha!” simulang chika ng nag-post.

Patuloy pa niya, “Next time siguro motor na yung ihihingi ko using my boyfriend’s charm. At the end of the day sakin pa din naman sya uuwi. Medyo kadiri but we gotta do what we gotta do.”

“If you saw an opportunity like this, I suggest you too grab it. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, sa gantong way ka lang aangat,” ang sabi pa sa post na nakapangalan sa isang nagngangalang “Elaine.”

Kalakip ng naturang FB post ang screenshot naman ng naging palitan ng mensahe ng girl at ng kanyang dyowa tungkol sa pagpatol sa bakla ng lalaki.

Ayon sa boyfriend ng babaeng netizen, dalawang taon na raw silang magkakilala ng beki pero wala pa raw nangyayari sa kanila kundi “half half lang.”

Super touch lang daw ang bading sa private part ng lalaki kapalit ng “funds” at next time raw ay mamahaling cellphone na raw ang ibibigay sa kanya. Sey naman ni “Elaine”, okay lang na mamakla ang dyowa basta walang mangyayaring “todohan” sa kanila.

Baka Bet Mo: Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

Iba’t iba ang reaksiyon ng mga netizens na nakabasa nito. Narito ang ilan.

“Ay matindi si ateng hahahaha.”

“Si ate naman proud pa sa pinaggagagawa niya.”

“Basta nagkasundo ok lang yan basta wag lang saktan at nakawan pareho nyo namn napaligaya ang isa’t isa.”

“mahiya naman kayo sa balat n’yo, bakit need kunsintihin ang boyfriend mo imbes na pagsabihan mo?”

“User na nga bf mo, pero mas user ka pa din. D ngpatalo couple goals.”

“Nakalimutan na atang sumaya ng pinas sa mga jokes base sa comsec.”

“Hahahahahaha sana iPhone 15 na lang.”

“Hindi ko alam kung kanino ako maiinis, doon sa BF o doon sa GF hahahaha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ay, benefits sa benefits hahahaha.”

“Like boyfriend, like girlfriend hahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending