Janica Nam Floresca dumalaw kay Hashtag Franco kasama ang bagong BF: My heart is full | Bandera

Janica Nam Floresca dumalaw kay Hashtag Franco kasama ang bagong BF: My heart is full

Therese Arceo |November 12,2021
facebook
share this

Janica Nam Floresca dumalaw kay Hashtag Franco kasama ang bagong BF: My heart is full

Therese Arceo - November 12, 2021 - 11:57 PM

Janica Nam Floresca dumalaw kay Hashtag Franco kasama ang bagong BF: My heart is full

DINALAW ni Janica Nam Floresca ang cremains ng kanyang namayapang ex-boyfriend na si Hashtag Franco Hernandez.

Noong Huwebes, Nobyembre 11, ang ika-apat na taon magmula nang pumanaw si Hashtag Franco matapos ang hindi kaaya-ayang insidente na nangyari kung saan nalunod ang binata habang nasa bakasyon sila noon kasama ang kaibigan mula rin sa grupong Hashtags pati ang girlfriend nito sa Davao Occidental.

Sa nakaraang tatlong taon ay laging mag-isa si Janica Nam tuwing binibisita ang namayapang ex-boyfriend ngunit ngayong taon ay kasama na nito ang kasalukuyang nobyo na si Lorenz Sia.

Ibinahagi ni Janica Nam sa kanyang Instagram account ang ilang mga litrato na kuha nang binisita nila si Hashtag Franco.

“My heart is full,” caption ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by nam ☾ (@janicanam)

Marahil ay personal nang ipinakilala ni Janica Nam ang kanyang bagong karelasyon sa namayapang ex-boyfriend.

Marami namang netizens ang naantig sa ginawa ni Janica Nam dahil kahit na masaya na ito sa kasalukuyang karelasyon ay nananatili pa ring may puwang ang namayapang binata sa kanyang puso.

Ito ang ilan sa mga comments ng netizens sa IG post ni Janica Nam.

“Napaka-blessed mo ate may mapagmahal kanang boyfriend at may angel ka pang hindi ka iiwan at pababayaan.”

“Happy po para sa inyo si Kuya Franco.”

“You really found a good man ate.”

“Franco is smiling in heaven seeing you happy now.”

Setyembre 2020 nang ipakilala ni Janica Nam ang kanyang bagong boyfriend, magtatatlong taon matapos ang pagkamatay ni Hashtag Franco.

“Since the day my Angel had passed away almost 3 [years] ago, I was actually [content with] being alone. I even thought of not being with someone else ever, as long as I have my family, friends and God, I knew that I would be okay,” saad ni Janica Nam.

“But this year I asked myself what if someday when someone comes into my life, will I get to fall [in love] again?”

Nag-open up rin iyo patungkol sa kung paano siya naging mas malakas matapos ang kanyang pinagdaanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“My experience was extreme and intense heartache you couldn’t imagine, and most people think that my heart hasn’t healed, but believe me because I know in many ways IT HAS!” pagpapatuloy ni Janica Nam.

“I know my angel above is smiling and happy for me. He will always be loved and missed.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending