Hashtag Tom halos isumpa na ng mga fans ni Franco; Jon nakiusap | Bandera

Hashtag Tom halos isumpa na ng mga fans ni Franco; Jon nakiusap

- December 06, 2017 - 12:30 AM

NADIDIIN ngayon si Hashtag member Tom Doromal sa aksidenteng pagkamatay ng kanyang kapwa Hashtag at kaibigan na si Franco Hernandez.

Ito’y makaraang ilahad ng girlfriend ni Franco na si Janica Nam Floresca ang aniya’y tunay na nangyari bago malagutan ng hininga ang binata matapos itong malunod sa isang resort sa Don Marcelino, Davao Occidental, noong Nov. 11.

Sa mga nabasa naming comments mula sa netizens, si Tom ang kanilang sinisisi kung bakit namatay si Franco. Maaaring buhay pa raw ang binata kung nasunod lang ang mga rules and regulations sa pagsakay ng bangka, kabilang na ang pagsusuot ng life vest.

Grabe ang pamba-bash ng fans ni Franco kay Tom, talagang halos isumpa na siya ng mga ito.
To the rescue naman ang isa pang hashtag member na si Jon Lucas kay Tom. Sa kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin ang binata para ipagtanggol si Tom na siya ring nag-imbita kina Franco at sa girlfriend nito na magbakasyon sa kanilang resort sa Davao.

Ayon kay Jon, “Gustong gusto ko ipagtanggol yung kaibigan ko, gustong gusto ko na maramdaman niya suporta ko sa mga pagkakataong ito! Sana andon nalang tayo lahat sa pinangyarihan, para lahat tayo may alam, para kahit mahusgahan niyo siya tatanggapin ko kasi alam natin yung nangyare eh. kaso wala tayo don lahat eh.

“Ang daming istorya eh, biruin niyo ang daming stories, pero di pa natin naririnig lahat lahat! (Both sides) nakakapanghusga na tayo? Ang sakit na mawalan ng kaibigan na mabait, tapos ngayon yung kaibigan mong mabait na buhay pa, parang kriminal na tingin niyo sakanya.

“Sana pwede ko kayo kausapin isa isa para malinawan kayo, hindi tungkol sa pangyayare, kundi tungkol sa nakatakdang kamatayan ng isang tao! Sana lahat aral? Sana lahat ng tao naturuan.”

Gumawa ng ingay ang girlfriend ni Franco matapos nga nitong isinawalat ang tunay na kuwento sa likod ng aksidenteng kinasangkutan nila sa karagatan ng Davao na ikinasawi nga ni Franco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending