Ruru, Jon patalbugan sa akting; may mamamatay sa Black Rider?

Ruru, Jon patalbugan sa akting; sino’ng next na mamamatay sa Black Rider?

Ervin Santiago - June 06, 2024 - 12:30 AM

Ruru, Jon patalbugan sa akting; sino'ng next na mamamatay sa Black Rider?

Jon Lucas, Yassi Pressman at Ruru Madrid

GRABE! As in grabe ang mga nakaraang episode ng Kapuso action-drama series na “Black Rider” ni Ruru Madrid dahil talagang mapapanganga ka na lang sa mga pasabog na eksena.

Naganap na nga ang pinakaaabangang pag-iisang dibdib sa serye kung saan ang bride, sa halip na all dressed in white ay nauwi sa duguang trahe de boda!

Tinutukan talaga ng mga manonood ang sunud-sunod na twists and turns sa 2024 New York Festivals Bronze Medalist primetime series na “Black Rider.”

Baka Bet Mo: Ruru Madrid ibinuking ang sikreto sa tagumpay ng ‘Black Rider’

Ang pinamasayang araw sana nina Paeng (Matteo Guidicelli) at Joan (Arra San Agustin), naging malagim at kalunos-lunos pa.

Itinuloy nga ni Calvin (Jon Lucas) ang maitim niyang plano para matigil ang kasal at maubos ang lahat ng mahal sa buhay ni Elias (Ruru). Sinu-sino nga kaya ang matitira? Sino-sino ang magiging biktima?

Pero siyempre, hindi ito palalagpasin ni Elias at gaganti para sa lahat ng maaapektuhan sa madugong kasalan. Ngunit ang katanungan ng marami, sino kaya ang magiging kaagapay niya para suungin ang mga kalaban?

Ngayong nailantad na ang malademonyong plano ni Calvin, hindi maitago ng viewers ang kanilang pagkamuhi at galit sa pinakamatinding kalaban at kontrabida sa buhay ni Elias.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Nakakagigil ka, Calvin, pati na rin lahat ng kasama ng kampon mo!! Pati ba naman sina Paeng at Joan madadamay pa?” sabi ng isang viewer.

Baka Bet Mo: Carla Abellana ibinuking ang tunay na ugali ni Ruru Madrid; bakit mas tumaas pa ang respeto sa mga action stars?

“Kung ayaw ni Elias lumuhod sa’yo, ako na lang! ‘Wag mo lang silang patayin,” dagdag pa ng isa.

Curious din ang manonood kung sino ang susunod na mamamaalam sa serye.

“Naku, sino na naman kaya ang magpapaalam?” tanong ng isang viewer.

Sabi ng isa pa, “Nakakabitin naman!!! Marami yatang mamamatay pero sino kaya??”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Black Rider,” tuwing 8 p.m. sa GMA Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending