Camille tinanong ng anak kung ano'ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse... | Bandera

Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

Ervin Santiago |April 22,2021
facebook
share this

Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

Ervin Santiago - April 22, 2021 - 11:20 AM

HINDI naging madali para sa Kapuso actress-TV host na si Camille Prats ang pagpapaliwanag sa kanyang anak na lalaki kung ano ang ibig sabihin ng “bading.”

Ayon kay Camille, talagang maingat niyang inesplika kay Nathan nang minsang magtanong ang bagets sa kanya tungkol sa pagiging gay.

Sa napanood naming episode ng Kapuso morning show na “Mars Pa More” sinagot ni Camille ang tanong na, “Ano ang isasagot mo kapag tinanong ni Nala sa ‘yo ‘Mommy what does it mean when people say ‘You’re bading’?”

Pahayag ng aktres, “Tinanong na ako nito ni Nathan dati noong lumalaki siya. So, kahit ako parang na-confuse, like ‘Oh no, paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya na maiintindihan niya?”

“So ganito explanation ko Mars. ‘I think some men, they look like boys, but they have a heart of a girl. And vice versa,'” paliwanag pa ni Camille sa panganay na anak.

Patuloy pa niya, “‘So that’s why they look that way or they dress up a certain way, or they act a certain way, it’s because from the outside they look like a boy, but from the inside they have a heart and feelings of a girl.

“So ganoon ko siya pinaliwanag, Mars. Tapos parang naintindihan niya na parang ‘Ah okay.’ Tapos natapos na kami doon,” dagdag pa ng TV host.

Samantala, natanong naman ang guest nilang si “The Clash” Season 3 first runner-up Jennie Gabriel kung ano ang magiging reaksyon niya sakaling  umaming bading ang anak na si Kalel.

“Karamihan naman sa friends ko, gay sila, ang sarap kasama talaga ng mga bakla. I love them, sobra.

“Kaya ako, kung iyon ang gusto niya, I don’t have any choice, ‘yun ang heart’s desire niya eh, ayun ang gusto niya eh,” sagot ni Jennie.

Ngunit ayon sa Kapuso singer at kilalang impersonator ni Angel Locsin, feeling naman niya ay straight ang kanyang anak.

“But anyway, ramdam ko sa anak ko talaga lalaking-lalaki, kasi alam na niya ‘yung mga crush eh. ‘Kailan ako magkaka-girlfriend? How old ako puwedeng mag-girlfriend?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gumaganoon siya sa akin. Kaya sabi ko, ‘Ah lalaki ito.’ Kaya I don’t think so (magiging beki),” paniniguro pa ni Jennie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending