Bida Man Jervy gumagawa ng 'sex video' kapalit ng pera; kumita na ng kalahating milyon | Bandera

Bida Man Jervy gumagawa ng ‘sex video’ kapalit ng pera; kumita na ng kalahating milyon

Reggee Bonoan - May 07, 2021 - 01:49 PM

FOLLOW-UP ito sa blind item na isinulat namin nitong Miyerkules tungkol sa Bida Man na nagpapakita ng sex video sa mga miyembro ng kanyang private account.

Ito’y may subscription fee na P1,500 na tatagal ng isang buwan. Ayon sa binata, ginagawa niya ito para mabuhay dahil sa kawalan ng trabaho.

Ang Bida Man na ito ay si Jervy delos Reyes na nakausap ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na nasa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update kasama si Mama Loi.

Kuwento ni Jervy tungkol dito, “Ang mechanics po ay mayroon akong private account sa Twitter tapos kung sino po ‘yung magbabayad sa akin sila lang po ‘yung magkakaroon ng access sa private account na mayroon private content po.

“Ang laman po ng private contents po, mga videos na SPG (strong parental guidance). More on 18 (years old) pataas po.”

Sa tanong ni Ogie kung bakit naisip itong gawin ni Jervy, “Nagawa ko po kasi sa pinagdadaanan ko po, ngayon po kasi I’m living alone. Mas pinili ko pong lumayo sa family ko kasi gusto kong matuto sa sarili ko kasi parati akong umaasa sa mama ko dati financially, sa pagkain. 22 years old na po ako, so ‘yun po ang naging fuel ko para magawa (private videos) talaga,” kuwento ni Bida Man Jervy.

Nabanggit din nitong may depression siya at nakatulong daw ang ginagawa niyang private video para mabawasan ang pagka-depress niya.

“Yes po, isa ito sa way para mas mahanap ko ang sarili ko. Dati po kasi sobrang natatakot ako sa judgment, sobrang natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao, sobrang natatakot po ako sa sarili ko, ang dami kong weakness dati na ngayon nagagamit ko na as strength,” paliwanag ni Jervy.

At dito niya napansin na mas matapang na siya dahil sa rami ng bashers ngayon at nababasang masasakit na salita tungkol sa kanya.

“Nama-manage ko o nako-control ko na po ang emotions ko ngayon na hindi dapat magpaapekto kasi kilala mo ‘yung sarili mo,” sabi pa ni Jervy.

Aminadong malaki ang kinikita ni Jervy sa ginagawa niyang private videos na ang ka-share niya sa kita ay ang mga tumutulong sa kanya para ma-upload ang videos niya na 80-20 ang hatian.

Ano naman ang pangako ni Jervy sa mga gustong magmiyembro na magbabayad ng P1,500 sa loob ng isang buwan, “Every week po may bagong content sa loob ng isang buwan so four videos po. Pero minsan depende po sa akin kung gusto kong mag-upload para ma-satisfy po ‘yung mga nag-member,” kuwento ng binata.

Umabot na sa 302 ang miyembro ng private account ni Jervy at sa bayad na P1,500 ay kumita na siya sa mahigit P453,000 o kulang-kulang kalahating milyon.

Nakatanggap na ba ng indecent proposal si Jervy mula nang gawin niya ang private video, “Yes po, sobrang dami na. Actually ang tanong nila kung magkano ako pag lalabas lang, date-date lang open naman po ako sa ganu’n.

“May bakla po kasing ma-harass sa chat, tulad dati may nag-message sa akin na magkano ka kapag (bleep) kita. Parang masyado pong direkta. Pag ganu’n po, pinapa-handle ko na lang po sa mga admin ko kasi hindi ko alam paano po sasagutin ‘yung ganu’n,” natawang kuwento ni Jervy.

At dahil dala-dala ni Jervy ang pangalang Bida Man na pag-aari ng “It’s Showtime” ay ano ang sabi sa kanya ng production, “Wala naman po.”

Pero inamin ng binata na nagalit sa kanya ang pamilya niya, “Nag-react po talaga parents ko lalo na ang mama ko at nag-usap po kami nang personal. Nu’ng una po hindi maganda pero sa tagal-tagal po ay naiintindihan na namin ang isa’t isa at ang promise ko sa kanila, titigil naman ako.”

Ayon kay Ogie sa rami ng artistang lalaking walang trabaho ay posibleng may mga sumubok na rin sa ganitong trabaho dahil malaki ang kita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Talagang nakaka-tempt pero pag-isipang mabuti dahil ito ay nagsisilbing resibo. Habang kayo ay nabubuhay resibo ‘yan at pag nagkaroon kayo ng pamilya at makikita ‘yan ng mga anak ninyo at tatanungin kayo, ayan na, so bahala na kayong mag-explain,” pagtatapos ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending