‘FLiRT’ variant nasa Pinas na, pero ‘low risk’ pa rin –DOH
UMABOT na dito sa Pilipinas ang bagong subvariant ng COVID-19, ang tinatawag na “FLiRT” variant.
Kinumpirma ito mismo ng Department of Health (DOH) noong Martes, June 4.
Gayunpaman, tiniyak ng ahensya sa publiko na nananatiling “low risk” ang COVID-19 at ang pagtaas ng mga kaso ay inilarawan nilang “slow, mild and manageable.”
Base sa sequencing data ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), sinabi ng DOH na may naitalang dalawang local cases ng KP.2, isa sa dalawang FLiRT variants habang ang isa pa ay KP.3.
Ang mga tinamaan daw nito ay kasalukuyang binabantayan ng local and international health authorities.
Baka Bet Mo: Unang kaso ng ‘Arcturus’ naitala sa Western Visayas, pasyente gumaling na –DOH
Para sa kaalaman ng marami ang FLiRT ay isang informal name na inilikha ng researchers upang tukuyin ang buong pamilya ng mga bagong variant ng SARS-CoV-2 virus.
Pero ang termina na ‘yan ay iniiwasang gamitin ng DOH upang sumangguni sa KP.2 at KP.3 na sa halip ay tatawagin itong mga subvariant ng Omicron.
Paliwanag ng health department, ang salitang FLiRT kasi ay impormal at casual, at posible itong magdulot ng miscommunication pagdating sa health risk.
Samantala, sa kabila ng mga nakitang bagong COVID-19 subvariants, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na ang “sequencing findings really do not affect ongoing protocols and clinical management.”
Dagdag pa niya, “Their detection (along with the slow increase in new cases and the plateau in the number of occupied COVID-19 beds) aligns with the international observation that the new variants under monitoring continue to be clinically mild and manageable.”
Ang reported cases ng COVID-19 ay patuloy pa ring tumataas kada linggo simula pa noong nakaraang buwan.
Ayon sa ahensya, mayroon nang 2,233 cases mula May 21 to May 27 –katumabas niyan ang average na 319 cases kada araw.
Ngunit ang mga nakararanas ng “severe” at “critical” cases ng nasabing virus ay umaabot lamang ng 185 o 10% ng total admissions sa mga ospital.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng nabanggit na sakit, nagpaalala ang DOH ng boluntaryong pagsuot ng face masks at ilan pang safety precautions.
“Good respiratory hygiene (covering mouth when coughing), washing hands, choosing less crowds, and ensuring good airflow and ventilation are tried and tested ways to prevent ILIs (influenza-like illnesses) and other acute respiratory illnesses, including COVID-19,” sey ng ahensya.
Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) sa senior citizens, adults with comorbidities, healthcare workers, at mga buntis na dapat updated ang COVID-19 vaccines six to 12 months matapos ang huling bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.