Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!? Bandera

Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?

Reggee Bonoan |August 04,2022
share this

Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?

Reggee Bonoan August 04, 2022 - 04:27 PM

Guess, guess who!? Sino kaya ang may ‘amoy’ na aktor?

MAY hindi kaaya-ayang amoy pala ang guwapo at kilalang aktor na may girlfriend na hindi naman kagandahan pero sobrang vain at malinis sa katawan.

Sa isang umpukan ng mga nakatrabaho ng guwapo at kilalang aktor ay napagkuwentuhan ang ugali nito dahil super bait daw kapag kaharap ang producer-director at fans pero kapag co-actors na lalo na’t hindi pa gaanong sikat kasama na ang production people ay nagsusungit o matigas magsalita.

“Kapag nag-uutos siya sa utility wala man lang thank you o salamat at talagang ganu’n ang tingin niya sa tao kasi naiisip niya kaya ka may work kasi may project ako.

“Bossy siya noon pa naman akala nga namin nagbago na hindi pa pala, nag lie-low dati bumalik na naman. Pag ganyan ‘yan talaga ang tunay niyang ugali,” kuwento ng aming source.

At dito na nasambit na may kakaibang amoy sa katawan ang guwapo at kilalang aktor.

“Maporma siya, okay naman manamit, pero kapag napalapit ka pala may amoy ang kili-kili. Na-imagine mo? Ganu’n tapos pinawisan pa, so anong resulta? Pawisin kasi siya,” pagtatapat ng laging kaeksena ng aktor.

Bigla tuloy naming inalala ang guwapo at kilalang aktor noong lagi namin siyang nakakatsikahan kapag may bagong project at oo nga hindi namin matandaang mabango siya.

Tama, wala rin kaming narinig na nagsabing mabango siya, pero maporma siya kasi ang ganda rin naman ng tindig niya, model type.

“Mas magandang tingnan siya sa malayuan, ‘wag mo na lang lalapitan kasi nakaka-turn-off,” sabi naman ng isa pang naka-work nito.

Inisip namin hindi ba siya naamoy ng girlfriend niyang mabango parati hindi siya napagsasabihan o baka immune na ito sa amoy niya.

“Oo nga ‘no? Lagi pa naman silang magkayakap, baka naman sanay na lola (girlfriend) mo,” sambit pa ng kausap namin.

At naalala namin dati ‘yung kuwento ng stylist na naka-work ng guwapo at kilalang aktor na pagkatapos daw nitong hubarin ang mga damit ay kaagad nitong pinapalabhan sa alalay niya ang mga damit nito lalo na kapag t-shirt at polo shirt dahil kapit na kapit daw ang amoy.

Kaya pagkatapos ng project ay katakut-takot na laba at fabric softener ang ginawa sa mga damit na ginamit ng guwapo at kilalang aktor.

“Magkatrabaho ulit sila ngayon (aktor at stylist), iyong mga damit ang pinagagamit ni ____ (stylist). Ha-hahaha! Nilagyan ng mga design kaya hindi halata. Ha-hahaha!” tumawang kuwento ng co-actor ng guwapo at kilalang aktor.

May pahabol pa, “Ay may amoy din pala ang paa kapag naghubad na ng shoes, amoy kulob.”

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Kilalang aktor tsugi na sa isang TV series dahil masyadong ‘pa-diva’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending