Mystica galit na galit sa sumuway sa kanyang pagkanta sa isang mall: Security lang pala! | Bandera

Mystica galit na galit sa sumuway sa kanyang pagkanta sa isang mall: Security lang pala!

Therese Arceo |March 08,2022
facebook
share this

Mystica galit na galit sa sumuway sa kanyang pagkanta sa isang mall: Security lang pala!

Therese Arceo - March 08, 2022 - 08:27 PM

Mystica galit na galit sa sumuway sa kanyang pagkanta sa isang mall: Security lang pala!

NANGGAGALAITI sa galit ang singer na si Mystica matapos siyang sawayin sa kanyang pagkanta sa isang mall sa Cavite.

Sa kanyang YouTube channel ay ibimahagi niya ang isang vlog kung saan masaya siyang kumakanta sa isang shopping mall habang namimili ang kanyang mga kasamahan at matapos nga ang ilang minuting pagkanta ay makikita na ang aktres na nakikipag-usap sa isa pang staff ng mall.

Hindi raw kasi nagustuhan ni Mystica ang naging paraan ng pagsaway ng naturang staff sa kanya dahil tila napahiya daw siya lalo na at maraming nakakita sa ginawa sa kanya ng staff.

Hindi na ipinakita sa video ang tunay na nangyari pero damang dama sa boses ng singer na talagang may sama ito ng loob sa nangyari.

“Nakaka-offend ‘yun on my part kasi everybody is paying me [kapag kumakanta ako] and then every time that I will sing, actually, they request me to sing. Hindi naman ako basta-basta kumakanta kung hindi naman ako nire-request na kumanta,” saad ni Mystica.

Dagdag pa niya, “Everytime that I will come here, they will always ask me to sing. I give them atleast 1-2 songs and after that I know my limit. Para sa akin, ‘yung ginawa niya is very nakaka-offend on my part. Kaya nga tinanong ko, “Are you the manager?’ E security lang pala. So, I mean it’s not the right of the securiy… sana pinalipas na lang niya at hindi pinakita sa harapan ko.”

Nagkaroon ng pagkakataon na nakausap ni Mystica ang naturang security personnel ngunit mukhang mas nagkainitan lang ang dalawa at mas lalong hindi naging maayos ang mga nangyari.

Kaya nga pumupunta ako dito because the way I was treated plus the fact that I am endorsing this [mall]. Every time I do my vlogs I’m endorsing your [mall], ’di ba? Lagi akong suki dito. Every time that I would come here lagi akong suki. And then the treatment that I get is always making me comeback,” lahad niya.

Kahit ang kasamahan niya ay nainis sa inasta ng security personnel. Sa video ay makikitang kinakausap nito ang security nang bigla na lang itong nagmura.

Pakiramdam daw ni Mystica ay tinatrato siya na kriminal nito at kung umasta raw ay para siyang ang may-ari ng naturang mall at sana ay nag-sorry man lang ito bagay na hindi daw nito ginawa.

Ngunit may parte sa video kung saan nag-sorry ang security at tinanong kung tapos na ba ito sa kanyang concern.

Pinili nang umalis na lang ng security ngunit nanatili pa rin ang pagra-rant ni Mystica dahil sa “komosyon” na ginawa ng security hanggang sa nagkainitan na sila.

“P***** i**, edi ibig sabihin nambulabog pala ako samantalang nagbigay ako ng libreng show. Kung sino man ‘yung security na ‘yun, you are p*****a talaga. I don’t deserve that kind of treatment,” sabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Mystica, “That security is a real idiot, okay? I don’t have respect for you. If you show and respect everybody and then you deserve respect as well… Customer is always right.”

Related Chika:
Nalaglag na pera ni Jerald Napoles isinauli ng security guard: Grabe, mini heart attack!
Alice nadukutan habang nagsa-shopping sa mall: Mag-ingat sa dumidikit-dikit sa inyo sa public

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending