Nalaglag na pera ni Jerald Napoles isinauli ng security guard: Grabe, mini heart attack! | Bandera

Nalaglag na pera ni Jerald Napoles isinauli ng security guard: Grabe, mini heart attack!

Ervin Santiago - November 16, 2021 - 08:42 AM

Jerald Napoles at Roland Gomez

TODO ang pasasalamat ng komedyanteng si Jerald Napoles sa isang security guard na nakapulot sa malaking halaga ng pera na nalaglag mula sa kanya.

Ipinost ng aktor sa kanyang official Facebook page ang ilang litrato kung saan kasama nga niya si Roland Gomez, isa sa mga security guard ng BPI Kamuning branch sa Quezon City.

Kuwento ni Jerald, si Mang Roland ang nakapulot sa perang idedeposito niya sa bangko kahapon. Aniya, wala siyang kamalay-malay na nalaglag pala ang hawak niyang pera.

Talaga raw sumakit ang ulo ni Jerald dulot ng matinding tensyon na naramdaman niya nang malamang nabawasan na ang perang idedeposito niya.

“Pinakamatinding shout-out sa security guard ng BPI Tomas Morato branch na si kuya Roland Gomez !!! Shwarawt!!” simulang mensahe ng aktor sa kanyang FB post.

“Nalaglag ang idedeposit ko na malaking halaga sa labas mismo ng bank. Di nagdalawang isip si kuya na pulutin at isurrender kala mam Mercy Jonsay (branch manager) para ma-advise ng pangyayari.

“Hindi ko napansin habang nakapila na nasurrender na pala ang pera dahil hindi rin nila alam na ako ang nalaglagan, pag dating ko sa teller kulang ang idedeposit. 

“Sumakit ang ulo ko sa panic. Buti na lang at nagtanong ako sa guards at nagkaroon ng masusing verification process sa management ng branch gamit ang ilang footages sa cctv kung saken nga ang nasurrender sa kanila na pera. Ay ayun na-deposit ko!” pagpapatuloy pa ng comedian.


Dagdag pang pahayag ni Jerald, “Grabe mini heart attack! Pero may mga tao talaga na tapat at maganda ang kalooban.

“Isandaan ulit na pasasasalamat at pagpapala ang hiling ko para sa iyo kuya Roland. Thank you din Ms. Mercy at maganda ang sistema nyo ng pag-verify,” sey pa ng isa sa cast members ng superhero movie na “Mang Jose” starring Janno Gibbs.

Nagpasalamat din nang bonggang-bongga ang girlfriend ni Jerald na si Kim Molina sa katapatan ng security guard.

“Grabe po itong pangyayari ngayon.Thank you Lord for honest people tulad ni Kuya Roland na nakapulot at nagsauli sa pera namin ni Jerald.

“Salamat sa iyo, Kuya Roland! May God bless and keep you safe all the time. Thank you Lord. Thank you for guiding us everyday,” mensahe ng Kapamilya actress.

Narito naman ang ilang comments ng followers ni Jerald sa FB tungkol sa ipinamalas na katapatan ni Mang Roland.

“God bless si lord na ang bahala magbigay sau ng reward at e blessed ka talaga ni lord. napaka ganda ng puso mo kuya.”

“Nakaka-proud maging #gomez. At mas nakaka-proud maging Filipino. Kuya guard pagpalain po kayo sa kabutihang nagawa niyo.”

“Good job sau Sir/kabaro. honesty is the best policy ika nga. choice nya na isurrender ang perang napulot merun man o walang CCTV na Nka install mas pinili pa din nya na isurrender Ito. at merun man o walang reward n ibigay si Jerald Napoles hayaan n natin ang panginoon ang gumawa Ng hakbang pra Kay kuya bsta iapgpatuloy m lng sir ang pagiging Isang Huwaran at tapat SA serbisyo bilang isang Security Guard a big salute sau sir/5-9.”

“Bilang security guard po nakaka proud ka ka59! God bless you po! Keep safe always… Big salute!!!”

https://bandera.inquirer.net/290877/jerald-napoles-napamura-naiyak-dahil-sa-mga-pinagsasabi-ni-sharon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290286/kim-molina-jerald-napoles-ayaw-pang-magpakasal-madaling-magplano-mahirap-panindigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending