Willie Revillame nag-resign na sa ALLTV, pwede pa kayang bumalik sa GMA 7? | Bandera

Willie Revillame nag-resign na sa ALLTV, pwede pa kayang bumalik sa GMA 7?

Reggee Bonoan |April 03,2023
facebook
share this

Willie Revillame nag-resign na sa ALLTV, pwede pa kayang bumalik sa GMA 7?

Reggee Bonoan - April 03, 2023 - 08:26 PM

Willie Revillame nag-resign na sa ALLTV, pwede pa kayang bumalik sa GMA 7?

Willie Revillame

“ISA pong source ang nakapagbalita sa amin na sumulat na po si Willie Revillame sa pamunuan ng ALLTV ng AMBS 2 at nag-resign na po siya, wala na siyang kinalaman sa istasyon.”

Ito ang bungad ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload ngayong hapon sa YouTube.

Parehong hindi nakapagsalita ang co-host ni ‘Nay Cristy dahil alam naman ng lahat na si Willie ang isa sa creative head ng ALLTV kaya nga siya unalis sa GMA 7.

Sa pagpapatuloy ng batikang manunulat at radio-online host, “Di ba utang na loob ang ang sinasabi nating dahilan kung bakit lumipat mula sa GMA 7 si Willie Revillame sa ALLTV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)


“Siguro naman po ‘yung pang-iiwan ni Willie sa kanyang Wowowin na talagang kumikita siya ng milyon-milyon na talagang punumpuno siya ng commercials, sikat na sikat para iwanan niya (GMA) at sumama siya sa pamilya Villar ay tinatanawan niya ng utang na loob (ay) wala na tayong masasabi pa.  Wala na siyang kailangang patunayan pa,” ani Nay Cristy.

Sabi ni Romel Chika, “Oo pinagbigyan niya ang hiling ng isang kaibigan (at) hindi nagtagumpay, so, ito na kailangan mong bumaklas kasi malulunod ka na at mawawalan ka na ng kabuhayan.”

Baka Bet Mo: ‘Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna’ — Ogie Diaz

Sagot pa ni ‘Nay Cristy, “Oo, ang dami-daming sumisisi kay Willie, ‘kasi umalis-alis ka pa sa GMA 7.  Ang ganda-ganda ng estado mo diyan! Isipin mo ‘yung Wowowin sikat na sikat ka ang dami mong tagasuporta.

“Pero iyon nga po, ‘yung punto ni Willie na no’ng panahon na walang nagtiwala sa akin kundi Villar lang. Pamilya Villar lang ang nagbigay ng house and lot sa Wowowee (ABS-CBN).

“So bilang ganti po at tinatanawan niya ng utang na loob nu’ng imbitahan siya ng pamilya Villar para buuin po itong AMBS2 sumama siya. Iniwan niya ‘yung napakagandang kapalaran niya sa GMA. Pero heto nga po ang pinakahuli, sumulat na po siya, pormal na siyang nagpaalam sa pamunuan ng AMBS2, sa ALLTV. Siya po ay nag-resign na,” sabi pa ng batikang manunulat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tanong ni Romel Chika kung magre-rebranding na rin ba si Willie? Sagot ni Nay Cristy, “Si Willie ang utak niyan gumagana kung mawala man siya dito sa ALLTV at kung totoong hindi na siya kabahagi ng network, ang daming paraan.”

Parehong sumang-ayon sina Romel Chika at Wendell. “Knowing Kuya Will, sabi nga nila parang pusa ‘yan!” say ni Romel Chika.

Dugtong ni ‘Nay Cristy, “May siyam na buhay!  Nakailang buhay na ba siya, Dos, (ABS-CBN), Singko (TV5), Siyete (GMA) at itong AMBS2 apat (na). May lima pa.  Kaya niyang humanap ng paraan para siya ay makabalik.

“At saka mga katsika, totoo ‘to ha, para maging mas magaan po ang pagbangon natin mula sa isang maling desisyon dapat binibigyan po natin an gating sarili talaga ng karapatan na magkamali paminsan-minsan,” sambit ni Nanay Cristy.

Balik-tanong ng hosts kung sino na ang naiwan sa ALLTV, e, si Willie raw ang nag-aaprub ng mga ipalalabas at sa mga talents na kukunin ng network.

Anyway, ang opinyon ni Romel Chika ay tiyak na may bagong pasabog si Willie at sabi naman ni ‘Nay Cristy ay kung babalik ito ng GMA pero tanggapin pa kaya siya ng nasabing network?

Puwede naman daw dahil maayos ang pamamaalam ni Willie sa GMA 7 management at hindi siya nagsunog ng tulay.

Ruby hindi nag-resign sa Bulaga: Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending